-
“Hindi Nagtatangi ang Diyos”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
1-3. Anong pangitain ang nakita ni Pedro, at bakit kailangan nating maunawaan ang ibig sabihin nito?
NOON ay taglagas ng taóng 36 C.E. Nasisikatan ng araw si Pedro habang nananalangin sa bubong ng isang bahay, malapit sa dagat sa daungang lunsod ng Jope. Ilang araw na siyang nakikituloy sa bahay na ito. Ang pagtuloy niya rito ay nagpapakitang hindi siya, sa paanuman, nagtatangi. Ang may-ari ng bahay, isang lalaking nagngangalang Simon, ay gumagawa ng katad, at hindi lahat ng Judio ay papayag na makituloy sa sinumang may gayong uri ng trabaho.a Gayunman, isang napakahalagang aral tungkol sa kawalang-pagtatangi ni Jehova ang matututuhan ngayon ni Pedro.
-
-
“Hindi Nagtatangi ang Diyos”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
a Minamaliit ng ilang Judio ang mga gumagawa ng katad dahil humahawak ang mga ito ng mga balat at bangkay ng hayop at ng nakapandidiring mga materyales na ginagamit nila sa kanilang trabaho. Sinasabi nilang hindi karapat-dapat sa templo ang mga gumagawa ng katad, at ang lugar ng kanilang negosyo ay dapat na di-kukulangin sa 50 siko, o mga 22 metro, mula sa bayan. Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit “nasa tabing-dagat” ang bahay ni Simon.—Gawa 10:6.
-