Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May kinalaman sa mga Judio, ang tipang Kautusan ay pinawi salig sa kamatayan ni Kristo sa pahirapang tulos (Col 2:14), at ang bagong tipan naman ay nagkabisa noong Pentecostes, 33 C.E. (Ihambing ang Gaw 2:4; Heb 2:3, 4.) Gayunpaman, pinagpakitaan ng Diyos ng pantanging pabor ang mga Judio nang mga tatlo at kalahating taon pa. Sa loob ng panahong iyon, ang pinangaralan lamang ng mga alagad ni Jesus ay mga Judio, mga proselitang Judio, at mga Samaritano. Ngunit noong mga 36 C.E. tinagubilinan ng Diyos si Pedro na pumaroon sa tahanan ng Gentil na si Cornelio, isang Romanong opisyal ng hukbo, at sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kaniyang banal na espiritu kay Cornelio at sa sambahayan nito, ipinakita Niya kay Pedro na ang mga Gentil ay maaari nang tanggapin para sa bautismo sa tubig. (Gaw 10:34, 35, 44-48) Yamang hindi na kinikilala ng Diyos ang tipang Kautusan sa tuling mga Judio kundi ang kinikilala na niya noon ay ang kaniyang bagong tipan na si Jesu-Kristo ang nagsilbing tagapamagitan, ang likas na mga Judio, tuli man o di-tuli, ay hindi na itinuturing ng Diyos bilang may anumang pantanging kaugnayan sa kaniya. Hindi na sila maaaring magkaroon ng isang katayuan sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, na wala nang bisa noon, ni sa pamamagitan man ng bautismo ni Juan, na kaugnay ng Kautusan, kundi kinakailangan silang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang Anak at mabautismuhan sa tubig sa pangalan ni Jesu-Kristo upang matamo ang pagkilala at pabor ni Jehova.​—Tingnan ang PITUMPUNG SANLINGGO (May bisa ang tipan “sa loob ng isang sanlinggo”).

  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Walang Pagbabautismo sa Sanggol. Yamang ang ‘pakikinig sa salita,’ ‘pagyakap sa salita nang buong puso,’ at ‘pagsisisi’ ay kailangan munang gawin ng isa bago siya magpabautismo sa tubig (Gaw 2:14, 22, 38, 41) at yamang kahilingan sa bautismo ang paggawa niya ng isang taimtim na pagpapasiya, maliwanag na siya ay dapat na nasa hustong gulang na upang makinig, maniwala, at gumawa ng gayong pagpapasiya. May argumentong inihaharap ang ilan pabor sa pagbabautismo sa sanggol. Bumabanggit sila ng mga pangyayari na doo’y ‘mga sambahayan’ ang binautismuhan, gaya ng sambahayan ni Cornelio, ni Lydia, ng tagapagbilanggo sa Filipos, ni Crispo, at ni Estefanas. (Gaw 10:48; 11:14; 16:15, 32-34; 18:8; 1Co 1:16) Naniniwala silang ipinahihiwatig nito na binautismuhan din ang maliliit na sanggol sa mga pamilyang iyon. Ngunit, sa kaso ni Cornelio, ang mga nabautismuhan ay yaong mga nakinig sa salita at tumanggap ng banal na espiritu, at sila’y nagsalita ng mga wika at lumuwalhati sa Diyos; ang mga bagay na ito ay hindi maaaring kumapit sa mga sanggol. (Gaw 10:44-46) Si Lydia ay “isang mananamba ng Diyos, . . . at binuksang mabuti ni Jehova ang kaniyang puso upang magbigay-pansin sa mga bagay na sinasalita ni Pablo.” (Gaw 16:14) Ang tagapagbilanggo sa Filipos ay kailangang ‘maniwala sa Panginoong Jesus,’ at ipinahihiwatig nito na ang iba pang kabilang sa kaniyang pamilya ay kailangan ding maniwala upang mabautismuhan. (Gaw 16:31-34) “Si Crispo na punong opisyal ng sinagoga ay naging isang mananampalataya sa Panginoon, at gayundin ang kaniyang buong sambahayan.” (Gaw 18:8) Ipinakikita ng lahat ng ito na kaugnay sa bautismo ang mga bagay na gaya ng pakikinig, paniniwala, at pagluwalhati sa Diyos, mga bagay na hindi magagawa ng mga sanggol. Sa Samaria, nang marinig at paniwalaan ng mga tao ang “mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos at tungkol sa pangalan ni Jesu-Kristo, sila ay nabautismuhan.” Dito ay espesipikong binanggit ng rekord ng Kasulatan na ang mga binautismuhan ay hindi mga sanggol kundi “mga lalaki at mga babae.”​—Gaw 8:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share