Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kapatid na Lalaki, Kapatid
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mga Kapatid ni Jesus. Binabanggit ng apat na Ebanghelyo, ng Mga Gawa ng mga Apostol, at ng dalawa sa mga liham ni Pablo ang “mga kapatid ng Panginoon,” ang “kapatid ng Panginoon,” “ang kaniyang mga kapatid na lalaki,” “ang kaniyang mga kapatid na babae,” anupat binabanggit ang pangalan ng apat sa kaniyang “mga kapatid na lalaki”: sina Santiago, Jose, Simon, at Hudas. (Mat 12:46; 13:55, 56; Mar 3:31; Luc 8:19; Ju 2:12; Gaw 1:14; 1Co 9:5; Gal 1:19) Tinatanggap ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ang natipong katibayan na si Jesus ay may di-kukulangin sa apat na kapatid na lalaki at dalawang kapatid na babae at na ang lahat ng ito ay likas na mga supling nina Jose at Maria pagkatapos ng makahimalang kapanganakan ni Jesus.

      Ang sariling pala-palagay na ang mga kapatid na ito ni Jesus ay mga anak ni Jose mula sa unang pag-aasawa, o mga anak mula sa pagganap ni Jose sa pag-aasawa bilang bayaw, ay dapat ituring na kathang-isip lamang, yamang hindi ito pinatototohanan o ipinahihiwatig man lamang sa Kasulatan. Ang pag-aangkin na ang salitang “kapatid na lalaki” (a·del·phosʹ) rito ay nangangahulugang “pinsan” (a·ne·psi·osʹ) ay isang teoriya lamang, na sinasabing kinatha ni Jerome noon lamang 383 C.E. Hindi lamang nabigo si Jerome na magharap ng anumang suporta para sa kaniyang bagong-kathang kuru-kuro kundi sa mas huling mga akda niya ay nag-urong-sulong din siya sa kaniyang mga opinyon at nagpahayag pa nga ng pag-aalinlangan tungkol sa kaniyang “cousin theory.” Sinabi ni J. B. Lightfoot na si Jerome ay “hindi nagharap ng anumang tradisyonal na awtoridad para sa kaniyang teoriya, at dahil doon, ang katibayan na pumapabor dito ay sa Kasulatan lamang dapat hanapin. Sinuri ko ang makakasulatang katibayan, at ang . . . pinagsama-samang mga suliranin . . . ay higit na nakararami sa pangalawahing mga argumentong ito, at sa katunayan ay nagpapakita na dapat itong tanggihan.”​—St. Paul’s Epistle to the Galatians, London, 1874, p. 258.

      Sa Griegong Kasulatan, hindi ginagamit ang a·del·phosʹ kapag ang kasangkot sa ulat ay isang pamangkin o pinsan. Sa halip ay ipinaliliwanag ang kaugnayan, gaya ng “anak ng kapatid na babae ni Pablo” o “si Marcos na pinsan [a·ne·psi·osʹ] ni Bernabe.” (Gaw 23:16; Col 4:10) Sa Lucas 21:16, ang mga salitang Griego na syg·ge·nonʹ (mga kamag-anak, gaya ng mga pinsan) at a·del·phonʹ (mga kapatid) ay kapuwa lumilitaw, anupat nagpapakita na ang mga terminong ito ay hindi basta pinagpapalit-palit sa Griegong Kasulatan.

      Yamang noong panahon ng ministeryo ni Jesus “ang kaniyang mga kapatid, sa katunayan, ay hindi nananampalataya sa kaniya,” tiyak na hindi niya sila mga kapatid sa espirituwal na diwa. (Ju 7:3-5) Ipinakita ni Jesus ang pagkakaiba ng kaniyang mga kapatid na ito sa laman at ng kaniyang mga alagad na nanampalataya sa kaniya at naging espirituwal na mga kapatid niya. (Mat 12:46-50; Mar 3:31-35; Luc 8:19-21) Dahil sa kawalan ng pananampalataya ng kaniyang mga kapatid sa laman, hindi sila maiuugnay sa mga apostol na kapangalan nila: sina Santiago, Simon, Hudas; malinaw na ipinakikita na naiiba sila sa mga alagad ni Jesus.​—Ju 2:12.

  • Kapatid na Lalaki, Kapatid
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Matapos na buhaying-muli si Jesus, nagbago ang mapag-alinlangang saloobin ng kaniyang mga kapatid sa laman, sapagkat naroroon sila kasama ng kanilang ina at ng mga apostol nang magkatipon sila upang manalangin matapos umakyat sa langit si Jesus. (Gaw 1:14) Ipinahihiwatig nito na naroroon din sila nang ibuhos ang banal na espiritu noong araw ng Pentecostes. Ang kapatid ni Jesus na si Santiago, na prominenteng tinukoy na kabilang sa matatandang lalaki ng lupong tagapamahala sa Jerusalem, ang sumulat ng liham na nagtataglay ng kaniyang pangalan. (Gaw 12:17; 15:13; 21:18; Gal 1:19; San 1:1) Ang kapatid naman ni Jesus na si Judas ang sumulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. (Jud 1, 17) Ipinahihiwatig ni Pablo na sa paanuman, ang ilan sa mga kapatid ni Jesus ay may-asawa.​—1Co 9:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share