-
“Ang Salita ni Jehova ay Patuloy na Lumalaganap”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
Batay sa Gawa 12:1-25
1-4. Sa anong mahirap na sitwasyon napapaharap si Pedro, at ano ang madarama mo kung ikaw ang nasa gayong sitwasyon?
KUMALAMPAG nang napakalakas ang pagkalaki-laking bakal na pintuang-daan na isinara sa likuran ni Pedro. Habang nakatanikala sa gitna ng dalawang guwardiyang Romano, dinala siya sa selda niya. Pagkatapos, naghintay siya nang maraming oras, marahil mga araw pa nga, kung ano ang mangyayari sa kaniya. Wala siyang ibang nakikita kundi mga pader at rehas ng bilangguan, mga tanikala niya, at mga bantay niya.
2 Dumating ang malagim na balita. Determinado si Haring Herodes Agripa I na makitang patay na si Pedro.a Sa katunayan, ipapapatay niya si Pedro sa harap ng mga tao pagkatapos ng Paskuwa para matuwa ang mga ito. Hindi ito pananakot lamang. Kamakailan lang, ipinapatay rin ng tagapamahalang ito ang isa sa mga kapuwa apostol ni Pedro, si Santiago.
-
-
“Ang Salita ni Jehova ay Patuloy na Lumalaganap”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
7, 8. Ano ang ginawa ng kongregasyon nang mabilanggo si Pedro?
7 Gaya ng inaasahan ni Agripa, ikinatuwa nga ng mga Judio ang pagpatay kay Santiago. Lalo tuloy lumakas ang loob niya, kaya ngayon, si Pedro naman ang gusto niyang isunod. Tulad ng binanggit sa pasimula, ipinaaresto niya si Pedro. Pero malamang na naalaala ni Agripa na makahimalang nakalaya noon sa bilangguan ang mga apostol, gaya ng ipinakita sa Kabanata 5 ng aklat na ito. Para makasiguro, iniutos ni Herodes na itanikala si Pedro sa pagitan ng 2 guwardiya, at 16 na guwardiya ang magpapalitan sa pagbabantay araw at gabi. Kapag nakatakas si Pedro, sa mga guwardiyang ito mismo ilalapat ang sentensiya sa apostol. Sa ilalim ng gayong mahirap na kalagayan, ano kaya ang magagawa ng mga kapuwa Kristiyano ni Pedro?
-