-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
11, 12. Bakit at paano pinagmalupitan ni Herodes ang mga Kristiyano, kasama na si Pedro?
11 Narinig ni Pedro ang sinabing ito ni Jesus sa hardin ng Getsemani. Nang maglaon, naranasan ni Pedro ang bisa ng marubdob na pananalangin. (Basahin ang Gawa 12:1-6.) Sa unang mga talata ng ulat na ito, nalaman natin na para pabanguhin ang kaniyang pangalan sa mga Judio, pinagmalupitan ni Herodes ang mga Kristiyano. Tiyak na alam ni Herodes na si Santiago ay isang apostol na malapít kay Jesus. Kaya naman, pinatay ni Herodes si Santiago “sa pamamagitan ng tabak.” (Talata 2) Nawalan ang kongregasyon ng isang minamahal na apostol. Malaking pagsubok ito sa mga kapatid noon!
-
-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
13, 14. (a) Ano ang ginawa ng kongregasyon nang mabilanggo si Pedro? (b) Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ng mga kapananampalataya ni Pedro kung tungkol sa pananalangin?
13 Alam na ng kongregasyon kung ano ang gagawin. Ganito ang sabi ng talata 5: “Iningatan si Pedro sa bilangguan; ngunit ang pananalangin sa Diyos para sa kaniya ay masidhing isinasagawa ng kongregasyon.” Oo, puspusan at taos-puso silang nanalangin para sa kanilang minamahal na kapatid. Hindi sila nawalan ng pag-asa nang patayin si Santiago; hindi rin nila itinuring na walang saysay ang pananalangin. Alam nilang napakahalaga kay Jehova ang mga panalangin ng kaniyang tapat na mga mananamba. Kung ang mga panalanging iyon ay kaayon ng kaniyang kalooban, sasagutin niya ang mga ito.—Heb. 13:18, 19; Sant. 5:16.
14 Ano ang matututuhan natin sa mga kapananampalataya ni Pedro? Para patuloy na makapagbantay, dapat din nating ipanalangin ang ating mga kapatid. (Efe. 6:18) May alam ka bang mga kapananampalataya na dumaranas ng pagsubok? Baka ang ilan ay nagbabata ng pag-uusig, pagbabawal ng pamahalaan, o mga likas na kasakunaan. Bakit hindi mo sila ipanalangin? Baka may kilala ka ring mga indibiduwal na dumaranas ng pagsubok na di-gaanong napapansin. Maaaring nakikipagpunyagi sila sa mga problema sa pamilya, panghihina ng loob, o sakit. May naiisip ka bang mga indibiduwal na puwede mong banggitin kay Jehova, ang “Dumirinig ng panalangin”?—Awit 65:2.
-