Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Santiago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • 4. Anak nina Jose at Maria, at kapatid sa ina ni Jesus. (Mar 6:3; Gal 1:19) Bagaman hindi isang apostol, maliwanag na ito ang Santiago na isang tagapangasiwa ng kongregasyong Kristiyano sa Jerusalem (Gaw 12:17) at sumulat ng aklat ng Bibliya na nagtataglay ng kaniyang pangalan. (San 1:1) Maaaring siya ang sumunod kay Jesus sa edad, yamang siya ang unang binanggit sa apat na likas na mga anak na lalaki ni Maria: sina Santiago, Jose, Simon, at Hudas. (Mat 13:55; tingnan ang KAPATID NA LALAKI, KAPATID.) Ipinahihiwatig ni Pablo sa kaniyang liham sa mga taga-Corinto, isinulat noong mga taóng 55 C.E., na si Santiago ay may-asawa.​—1Co 9:5.

  • Santiago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagkatapos nito, si Santiago ay naging isang prominenteng miyembro at, lumilitaw na isang “apostol” ng kongregasyon sa Jerusalem. (Tingnan ang APOSTOL [Pagka-Apostol sa Kongregasyon].) Kaya, noong unang pagdalaw ni Pablo sa mga kapatid sa Jerusalem (mga 36 C.E.), sinabi niyang gumugol siya ng 15 araw kasama ni Pedro ngunit ‘walang nakitang iba pa sa mga apostol, tanging si Santiago lamang na kapatid ng Panginoon.’ (Gal 1:18, 19) Pagkatapos ng makahimalang paglaya ni Pedro mula sa bilangguan, tinagubilinan nito ang mga kapatid sa tahanan ni Juan Marcos na, “Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid,” anupat ipinahiwatig ang pagiging prominente ni Santiago. (Gaw 12:12, 17) Noong mga 49 C.E., ang usapin ng pagtutuli ay dumating sa harap ng ‘mga apostol at matatandang lalaki’ sa Jerusalem. Kasunod ng personal na patotoo nina Pedro, Bernabe, at Pablo ay nagsalita si Santiago, anupat nagharap ng pasiya na sinang-ayunan at tinanggap naman ng kapulungan. (Gaw 15:6-29; ihambing ang Gaw 16:4.) Nang tinutukoy ang okasyong iyon, sinabi ni Pablo na sina Santiago, Cefas, at Juan ay “waring mga haligi” sa mga nasa Jerusalem. (Gal 2:1-9) Sa pagtatapos ng isang paglalakbay bilang misyonero nang dakong huli, nag-ulat si Pablo, na nasa Jerusalem, tungkol sa kaniyang ministeryo kay Santiago at sa “lahat ng matatandang lalaki,” at pagkatapos ay binigyan siya ng mga ito ng ilang payo na dapat sundin.​—Gaw 21:15-26; tingnan din ang Gal 2:11-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share