Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 1, 2. Bakit naiiba ang paglalakbay na gagawin nina Bernabe at Saul, at paano makatutulong ang kanilang gawain sa katuparan ng Gawa 1:8?

      ISANG kapana-panabik na araw ito para sa kongregasyon ng Antioquia. Sa lahat ng propeta at gurong naroroon, sina Bernabe at Saul ang pinili ng banal na espiritu para magdala ng mabuting balita sa malalayong lugar.a (Gawa 13:1, 2) Nakapagsugo na rin naman ng mga kuwalipikadong lalaki noon. Pero karaniwan nang sa mga lugar na tinatanggap na ang Kristiyanismo. (Gawa 8:14; 11:22) Sa pagkakataong ito, sina Bernabe at Saul—kasama si Juan Marcos, na magsisilbing tagapaglingkod—ay ipadadala sa mga lupaing karamihan sa mga tao’y hindi pa nakaririnig ng mabuting balita.

      2 Mga 14 na taon bago nito, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Magiging mga saksi ko kayo sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Ang pag-aatas kina Bernabe at Saul na maglingkod bilang mga misyonero ay makatutulong sa katuparan ng makahulang mga salita ni Jesus!b

  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 4. (a) Ano ang gumabay sa pagpili kina Bernabe at Saul, at paano tumugon ang kanilang mga kapananampalataya sa pag-aatas na ito? (b) Paano natin masusuportahan ang mga nabibigyan ng teokratikong mga atas?

      4 Pero bakit kaya partikular na pinili ng banal na espiritu sina Bernabe at Saul para ibukod “sa isang gawain”? (Gawa 13:2) Hindi binabanggit ng Bibliya ang dahilan. Basta ang alam natin, ginabayan ng banal na espiritu ang pagpili sa mga lalaking ito. Walang pahiwatig na tinutulan ng mga propeta at ng mga guro sa Antioquia ang desisyong ito. Sa halip, lubos nilang sinuportahan ang pag-aatas. Isip-isipin na lamang ang nadama nina Bernabe at Saul nang ang kanilang espirituwal na mga kapatid ay mag-ayuno at manalangin at ‘ipatong sa kanila ang mga kamay ng mga ito at isugo’ sila nang walang halong pagkainggit. (Gawa 13:3) Dapat din nating suportahan ang mga nabibigyan ng teokratikong mga atas, pati na ang mga lalaking hinihirang na maging mga tagapangasiwa sa kongregasyon. Sa halip na kainggitan sila, dapat na “mahalin [natin] sila at maging mas makonsiderasyon sa kanila dahil sa ginagawa nila.”​—1 Tes. 5:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share