Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 5. Ilarawan kung ano ang kinailangang gawin para makapangaral sa isla ng Ciprus.

      5 Matapos maglakad hanggang Seleucia, isang daungang malapit sa Antioquia, naglayag sina Bernabe at Saul patungo sa isla ng Ciprus, isang paglalakbay na may layong mga 200 kilometro.d Dahil taga-Ciprus si Bernabe, tiyak na sabik na sabik siyang dalhin ang mabuting balita sa mga kababayan niya. Pagdating nila sa Salamis, isang lunsod sa silangang baybayin ng isla, walang inaksayang panahon ang mga lalaking ito. Agad na “sinimulan nilang ihayag ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio.”e (Gawa 13:5) Naglakbay sina Bernabe at Saul hanggang sa kabilang dulo ng Ciprus, anupat malamang na nangangaral sa mga pangunahing lunsod na nadaraanan nila. Depende sa rutang dinaanan nila, posibleng mga 160 kilometro ang nilakad ng mga misyonerong ito!

      SA MGA SINAGOGA NG MGA JUDIO

      Ang “sinagoga” ay literal na nangangahulugang “pagtitipon.” Tumutukoy ito sa isang kapulungan o kongregasyon ng mga Judio at nang maglaon ay tumukoy sa lugar mismo o gusali na pinagpupulungan.

      Ipinalalagay na nagsimulang magkaroon ng mga sinagoga noong panahon ng 70-taóng pagkatapon ng mga Judio sa Babilonya o karaka-raka pagkatapos nito. Ang mga sinagoga ay nagsisilbing lugar para sa pagtuturo, pagsamba, pagbasa ng Kasulatan, at paghimok sa mga tao na sundin ang payo nito. Noong unang siglo C.E., ang bawat bayan sa Palestina ay may sariling sinagoga. Sa mas malalaking lunsod ay hindi lamang iisa ang sinagoga, at marami nito sa Jerusalem.

      Pero nang makalaya sa Babilonya ang mga Judio, hindi naman lahat ay bumalik sa Palestina. Marami ang nagtungo sa ibang bansa para magnegosyo. Noon pa mang ikalimang siglo B.C.E., mayroon nang mga pamayanang Judio sa 127 distrito ng Imperyo ng Persia. (Es. 1:1; 3:8) Nang maglaon, nagkaroon din ng mga pamayanang Judio sa mga lunsod sa palibot ng Mediteraneo. Ang mga nangalat na Judiong ito ay nagtatag ng mga sinagoga sa mga lugar na pinanirahan nila.

      Sa mga sinagoga, ang Kautusan ay binabasa at ipinapaliwanag tuwing Sabbath. Ang bumabasa ay nasa isang mataas na platapormang napapalibutan ng mga upuan sa harapan at magkabilang tagiliran. Maaaring makibahagi sa pagbabasa, pangangaral, at pagpapayo ang sinumang debotong lalaking Judio.

  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • d Noong unang siglo, ang isang barko ay nakakapaglayag nang mga 160 kilometro sa isang araw kung maganda ang panahon. Pero kung masama ang panahon, nagtatagal ang paglalayag.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share