Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Lakas-Loob na Nagsalita Dahil sa Awtoridad na Ibinigay ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 8. Bakit umalis sina Pablo at Bernabe sa Iconio, at anong aral ang matututuhan natin sa kanilang halimbawa?

      8 Di-nagtagal, binalak ng mga mananalansang sa Iconio na pagbabatuhin sina Pablo at Bernabe. Nang malaman ito ng dalawang misyonero, ipinasiya nilang lumipat na lang sa ibang teritoryong puwede nilang pangaralan. (Gawa 14:5-7) Mataktika rin ang mga tagapaghayag ng Kaharian sa ngayon. Kapag may naninirang-puri sa atin, lakas-loob tayong nagsasalita. (Fil. 1:7; 1 Ped. 3:13-15) Pero kapag may nagbabantang karahasan, hindi tayo nagpapadalos-dalos anupat naisasapanganib ang buhay natin o ng ating mga kapananampalataya.​—Kaw. 22:3.

  • “Lakas-Loob na Nagsalita Dahil sa Awtoridad na Ibinigay ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • Ang Iconio ay nasa hangganan ng Licaonia at Frigia, mga rehiyon sa Galacia. Ayon sa ilang sinaunang manunulat, pati na sina Cicero at Strabo, ang Iconio ay isang lunsod ng Licaonia at kung titingnan ito sa mapa, masasabing sakop nga ng rehiyong iyon ang lunsod. Pero hindi isinama ng manunulat ng Mga Gawa ang Iconio bilang bahagi ng Licaonia, kung saan ginagamit ang “wikang Licaonia.” (Gawa 14:1-6, 11) Kaya iginigiit ng mga kritiko na mali ang ulat sa Mga Gawa. Pero noong 1910, ang mga arkeologo ay may nakitang mga inskripsiyon sa lunsod na nagpapakitang Frigiano nga ang wikang ginamit sa Iconio sa loob ng dalawang siglo pagkadalaw nina Pablo at Bernabe. Kaya tama ang manunulat ng Mga Gawa nang hindi niya isama ang Iconio sa mga lunsod ng Licaonia.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share