Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Lubusan Niyang Pinupuno ang Ating mga Puso’
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 1
    • Talaga bang nagmamalasakit sa atin si Jehova, o hindi siya interesado sa kalagayan ng mga tao sa lupa? Nakaaaliw ang sagot ng Bibliya sa tanong na iyan. Talagang nagmamalasakit ang Diyos sa mga tao, at gusto niyang masiyahan tayo sa buhay. Araw-araw, hinahayaan niyang makinabang ang mga tao​—kahit ang mga lubhang di-mapagpahalaga​—sa kaniyang saganang kabutihan. Isaalang-alang ang pananalita ni apostol Pablo.​—Basahin ang Gawa 14:16, 17.

      Kausap ang mga tao sa lunsod ng Listra na hindi mananamba ng Diyos, sinabi ni Pablo: “Noong mga nakalipas na salinlahi ay pinahintulutan [ng Diyos] ang lahat ng mga bansa na lumakad sa kanilang mga daan, bagaman, sa katunayan, hindi niya pinabayaang wala siyang patotoo sapagkat gumawa siya ng mabuti, na binibigyan kayo ng mga ulan mula sa langit at mabubungang kapanahunan, na lubusang pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at pagkagalak.” Ano ang kahulugan ng mga salitang ito sa mga tagapakinig ni Pablo?

  • ‘Lubusan Niyang Pinupuno ang Ating mga Puso’
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 1
    • Binigyan tayo ni Jehova ng kalayaang magpasiya. Pansinin na pinahintulutan ni Jehova ang lahat ng bansang Gentil na “lumakad sa kanilang mga daan.” Sinasabi ng isang reperensiya ng mga tagapagsalin ng Bibliya na ang mga salitang ito ay maaaring mangahulugang “lumakad sa paraang gusto nila” o “gawin ang iniisip nilang pinakamabuti.” Hindi pinipilit ni Jehova ang sinuman na sumamba sa kaniya. Pinagkalooban niya tayo ng kalayaang magpasiya​—ang kakayahang pumili ng ating sariling landasin sa buhay.​—Deuteronomio 30:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share