-
Mga Elder—‘Mga Kamanggagawa Ukol sa Ating Kagalakan’Ang Bantayan—2013 | Enero 15
-
-
6, 7. (a) Ano ang isang paraan para matularan ng mga elder sina Jesus, Pablo, at ang iba pang lingkod ng Diyos? (b) Bakit natutuwa ang mga kapatid kapag natatandaan natin ang kanilang pangalan?
6 Sinasabi ng maraming kapatid na nadaragdagan ang kanilang kagalakan kapag nagpapakita sa kanila ng personal na interes ang mga elder. Magagawa ito ng mga elder sa pamamagitan ng pagtulad kina David, Elihu, at Jesus. (Basahin ang 2 Samuel 9:6; Job 33:1; Lucas 19:5.) Ipinakita nila na nagmamalasakit sila sa iba sa pamamagitan ng paggamit sa pangalan ng mga ito. Alam din ni Pablo na mahalagang tandaan at gamitin ang pangalan ng kaniyang mga kapananampalataya. Sa pagtatapos ng isa sa kaniyang mga liham, binanggit niya ang pangalan ng mahigit sa 25 kapatid. Kabilang dito ang kapatid na babaing si Persis. Sinabi ni Pablo: “Batiin ninyo si Persis na ating minamahal.”—Roma 16:3-15.
-
-
Mga Elder—‘Mga Kamanggagawa Ukol sa Ating Kagalakan’Ang Bantayan—2013 | Enero 15
-
-
8. Sa anong mahalagang paraan tinularan ni Pablo si Jehova at si Jesus?
8 Ipinakita rin ni Pablo na nagmamalasakit siya sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng taimtim na komendasyon. Isa pa itong paraan para madagdagan ang kagalakan ng ating mga kapananampalataya. Sa liham ni Pablo sa mga taga-Corinto, isinulat niya: “Mayroon akong malaking paghahambog may kinalaman sa inyo.” (2 Cor. 7:4) Tiyak na naantig ang puso ng mga kapatid sa Corinto sa taimtim na komendasyong ito. Pinuri din ni Pablo ang ibang kongregasyon sa kanilang mabubuting gawa. (Roma 1:8; Fil. 1:3-5; 1 Tes. 1:8) Sa katunayan, matapos niyang banggitin si Persis sa kaniyang liham sa kongregasyon sa Roma, idinagdag ni Pablo: “Gumawa siya ng maraming pagpapagal sa Panginoon.” (Roma 16:12) Siguradong tumaba ang puso ng tapat na kapatid na ito! Tinularan ni Pablo ang halimbawa ni Jehova at ni Jesus sa pagbibigay ng komendasyon.—Basahin ang Marcos 1:9-11; Juan 1:47; Apoc. 2:2, 13, 19.
-