-
Ibinunyag Na Kung Sino ang Lihim na Namamahala sa DaigdigAng Bantayan—2011 | Setyembre 1
-
-
Mula noon, alam na ng Diyablo na maikli na lang ang natitira niyang panahon bago siya puksain. Bagaman ang ‘buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan niya,’ milyun-milyon pa rin sa ngayon ang hindi nailigaw ng kaniyang desperadong pagsisikap na kontrolin sila. Ibinunyag ng Bibliya sa kanila kung sino siya at ang kaniyang mga pakana. (2 Corinto 2:11) Umaasa sila sa sinabi ni Pablo sa kapuwa niya mga Kristiyano: “Ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan ang dudurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa sa di-kalaunan.”b—Roma 16:20.
-
-
Ibinunyag Na Kung Sino ang Lihim na Namamahala sa DaigdigAng Bantayan—2011 | Setyembre 1
-
-
b Ipinaaalaala ng mga salitang ito ni Pablo ang unang hula sa Bibliya sa Genesis 3:15 na tumutukoy sa pagpuksa sa Diyablo. Para ilarawan ito, gumamit si Pablo ng salitang Griego na nangangahulugang “magkawatak-watak, magkapira-piraso, magkalasug-lasog sa pamamagitan ng pagdurog.”—Vine’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words.
-