Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang tapat na mga apostol ni Jesu-Kristo ay binautismuhan sa tubig ayon sa bautismo ni Juan. (Ju 1:35-37; 4:1) Ngunit hindi pa sila nababautismuhan sa banal na espiritu nang banggitin ni Jesus na babautismuhan din sila sa isang makasagisag na bautismo na tulad ng sa kaniya, isang bautismo sa kamatayan. (Mar 10:39) Kaya ang bautismo sa kaniyang kamatayan ay isang bagay na iba pa sa bautismo sa tubig. Sinabi ni Pablo sa kaniyang liham sa kongregasyong Kristiyano sa Roma: “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na binautismuhan kay Kristo Jesus ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan?”​—Ro 6:3.

      Ang Diyos na Jehova ang may pananagutan sa pagsasagawa ng gayong bautismo kay Kristo Jesus pati na ng bautismo sa kaniyang kamatayan. Pinahiran niya si Jesus, anupat ginawa niya itong ang Kristo o ang Pinahiran. (Gaw 10:38) Sa gayon ay binautismuhan ng Diyos si Jesus sa banal na espiritu upang, sa pamamagitan ni Jesus, ang kaniyang mga tagasunod ay mabautismuhan din sa banal na espiritu. Samakatuwid, yaong magiging mga kasamang tagapagmana niya, na may makalangit na pag-asa, ay kailangang “mabautismuhan kay Kristo Jesus,” samakatuwid nga, sa Pinahiran na si Jesus, na noong panahon ng pagpapahid sa kaniya, ay naging inianak-sa-espiritung anak ng Diyos. Sa gayon ay magiging kaisa nila siya, ang kanilang Ulo, at sila ay magiging mga miyembro ng kongregasyon na siyang katawan ni Kristo.​—1Co 12:12, 13, 27; Col 1:18.

  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kasuwato ito ng Roma 6:3, na nagsasabi: “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na binautismuhan kay Kristo Jesus ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan?” Gaya ng nililinaw ng kasulatang ito, hindi iyon pagpapabautismo ng isang Kristiyano alang-alang sa isa na patay na kundi, sa halip, iyon ay isang bagay na nakaaapekto sa mismong kinabukasan ng taong iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share