Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sigurado ang Pagkabuhay-Muli!
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
    • Umaakyat si Jesus sa langit. Makikita rin ang ilang Kristiyano noon.

      Si Jesus ang unang binuhay-muli tungo sa langit (Tingnan ang parapo 15-16)b

      15. Sino ang kasama sa “lahat” ng “bubuhayin”?

      15 Pansinin na sinabi ni Pablo na ‘kay Kristo, ang lahat ay bubuhayin.’ (1 Cor. 15:22) Ang liham ni Pablo ay para sa mga pinahirang Kristiyano sa Corinto na bubuhaying muli tungo sa langit. Sila ay “pinabanal at kaisa ni Kristo Jesus, mga tinawag para maging banal.” May binanggit din si Pablo na “mga namatay na kaisa ni Kristo.” (1 Cor. 1:2; 15:18; 2 Cor. 5:17) Sa isa pang liham ni Pablo, sinabi niya na ang mga ‘naging kaisa ni Jesus dahil namatay silang gaya niya’ ay ‘magiging kaisa niya dahil bubuhayin silang muli na gaya niya.’ (Roma 6:3-5) Binuhay si Jesus bilang espiritu at umakyat sa langit. Ganiyan din ang mangyayari sa lahat ng “kaisa ni Kristo,” ang lahat ng pinahiran.

  • Sigurado ang Pagkabuhay-Muli!
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
    • 17. Kailan bubuhaying muli tungo sa langit ang mga “kaisa ni Kristo”?

      17 Hindi pa binubuhay-muli tungo sa langit ang mga “kaisa ni Kristo” noong panahong sumulat si Pablo sa mga taga-Corinto. Ipinapahiwatig ni Pablo na sa hinaharap pa iyon mangyayari: “Bawat isa ayon sa tamang pagkakasunod-sunod: si Kristo ang unang bunga, pagkatapos ay ang mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang presensiya.” (1 Cor. 15:23; 1 Tes. 4:15, 16) Nabubuhay tayo ngayon sa inihulang “presensiya” ni Kristo. Oo, kailangang hintayin ng mga namatay na apostol at iba pang mga pinahiran ang presensiyang iyan bago nila tanggapin ang kanilang gantimpala sa langit at ‘maging kaisa ni Jesus dahil bubuhayin silang muli na gaya niya.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share