Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Personal na mga katangiang isinisiwalat ng paglalang. Bago pa man nilalang ni Jehova ang tao, isinisiwalat na ng kaniyang mga gawang paglalang ang ilang aspekto ng kaniyang personalidad. (Ro 1:20) Isinisiwalat ng mismong akto ng paglalang ang kaniyang pag-ibig. Ito’y dahil kumpleto na si Jehova sa ganang sarili, anupat walang anumang kulang sa kaniya. Kaya bagaman lumalang siya ng daan-daang milyong espiritung anak, walang isa man sa mga ito ang makapagdaragdag ng anuman sa kaniyang kaalaman o makapaglalaan ng anumang kanais-nais na kalidad ng emosyon o personalidad na hindi pa niya taglay noon sa napakataas na antas.​—Dan 7:9, 10; Heb 12:22; Isa 40:13, 14; Ro 11:33, 34.

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gaya ng itinawag-pansin ng apostol na si Pablo, ang di-nakikitang mga katangian ni Jehova ay isinisiwalat din ng materyal na sangnilalang. (Ro 1:19, 20) Hindi malirip ang kaniyang pagkalawak-lawak na kapangyarihan, anupat ang pagkalalakíng mga galaksi na may bilyun-bilyong bituin ay ‘gawa lamang ng kaniyang mga daliri’ (Aw 8:1, 3, 4; 19:1), at napakasagana ng ipinakikita niyang karunungan anupat kahit pagkatapos ng libu-libong taon ng pagsasaliksik at pag-aaral, ang unawa ng mga tao sa pisikal na paglalang ay isa lamang “bulong” kung ihahambing sa dumadagundong na kulog. (Job 26:14; Aw 92:5; Ec 3:11) Ang paraan ng paglalang ni Jehova sa planetang Lupa ay kinakitaan ng lohikal na pagkakaayos, anupat may sinunod na takdang programa (Gen 1:2-31), kaya naman ang lupa ay tinawag ng mga astronot noong ika-20 siglo na isang hiyas sa kalawakan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share