-
Sumasapit sa Maluwalhating Tagumpay ang Layunin ni JehovaSambahin ang Tanging Tunay na Diyos
-
-
Kamangha-manghang Kalayaan sa Hinaharap
11. Anong kamangha-manghang kalayaan ang tatamasahin ng mga makaliligtas sa malaking kapighatian?
11 Pagkaraang mapawi ng malaking kapighatian, at ng Armagedon na siyang kasukdulan nito, ang kabalakyutan sa lupa, si Satanas na Diyablo ay hindi na magiging “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” Hindi na kailangan pang makipagpunyagi ang mga mananamba ni Jehova sa buktot na impluwensiya ni Satanas. (2 Corinto 4:4; Apocalipsis 20:1, 2) Hindi na magagawa ng huwad na relihiyon na may-kamaliang ipakilala si Jehova at hindi na ito magsisilbing isang impluwensiyang nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa lipunan ng tao. Hindi na daranasin ng mga lingkod ng tunay na Diyos ang kawalang-katarungan at pagsasamantala ng mga awtoridad na tao. Talaga ngang kamangha-mangha ang kalayaang tatamasahin!
12. Paano mapalalaya ang lahat mula sa kasalanan at sa mga epekto nito?
12 Bilang “ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,” gagamitin ni Jesus ang bisa ng kaniyang hain upang pawiin ang kasalanan ng sangkatauhan. (Juan 1:29) Noong si Jesus ay nasa lupa at pinatawad ang mga kasalanan ng isang tao, pinagaling niya ang isang iyon na pinatawad bilang patotoo nito. (Mateo 9:1-7; 15:30, 31) Sa katulad na paraan, si Kristo Jesus, bilang makalangit na Hari ng Kaharian ng Diyos, ay makahimalang magpapagaling sa mga bulag, pipi, bingi, baldado, may sakit sa isip, at sa mga may iba pang karamdaman. (Apocalipsis 21:3, 4) Mawawalan ng bisa ang “kautusan ng kasalanan” sa lahat ng mga masunurin upang ang kanilang mga pag-iisip at kilos ay maging kalugud-lugod, kapuwa sa kanilang sarili at sa Diyos. (Roma 7:21-23) Pagsapit ng katapusan ng Milenyo, naakay na sila sa kasakdalan bilang tao, ayon sa ‘larawan at wangis’ ng tanging tunay na Diyos.—Genesis 1:26.
13. Sa katapusan ng Milenyong Pamamahala, ano ang gagawin ni Kristo, at ano ang magiging resulta?
13 Kapag naakay na ni Kristo ang sangkatauhan sa kasakdalan, kung gayon ay ibabalik na niya sa Ama ang awtoridad na ipinagkaloob sa kaniya para sa gawaing ito: “Ibinigay niya ang kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag pinawi na niya ang lahat ng pamahalaan at ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan. Sapagkat kailangan siyang mamahala bilang hari hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.” (1 Corinto 15:24, 25) Lubusan nang naisakatuparan sa panahong iyon ng Milenyong Pamamahala ng Kaharian ang layunin nito; kaya hindi na kailangan pang manatili sa pagitan ni Jehova at ng sangkatauhan ang katulong na pamahalaang ito. At yamang sa panahong iyon ay lubusan nang napawi ang kasalanan at kamatayan at natubos na ang sangkatauhan, matatapos na ang pangangailangan kay Jesus bilang isang Tagatubos. Ipinaliliwanag ng Bibliya: “Kung magkagayon ay magpapasakop din mismo ang Anak sa Isa na nagpasakop ng lahat ng bagay sa kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat ng bagay sa bawat isa.”—1 Corinto 15:28.
14. Sa ano ipasasailalim ang lahat ng pinasakdal na tao, at bakit?
14 Pagkatapos nito, ang pinasakdal na sangkatauhan ay bibigyan ng pagkakataon na ipakitang ang pasiya nila ay ang paglingkuran ang tanging tunay na Diyos magpakailanman. Kaya naman, bago sila lubusang tanggapin bilang kaniyang mga anak, ipasasailalim muna ni Jehova sa isang pangwakas na pagsubok ang lahat ng pinasakdal na tao. Pakakawalan si Satanas at ang kaniyang mga demonyo mula sa kalaliman. Hindi ito magdudulot ng walang-hanggang pinsala sa mga tunay na umiibig kay Jehova. Ngunit sinumang walang-katapatang magpapaakay tungo sa pagsuway kay Jehova ay pupuksain magpakailanman, kasama ng orihinal na rebelde at ng kaniyang mga demonyo.—Apocalipsis 20:7-10.
15. Anong kalagayan ang muli na namang iiral sa gitna ng lahat ng matatalinong nilalang ni Jehova?
15 Pagkatapos noon ay tatanggapin na ni Jehova bilang kaniyang mga anak ang lahat ng pinasakdal na tao na nagtaguyod ng pagkasoberano ng Diyos sa panahong iyon ng pangwakas na pagsubok. Magmula sa panahong iyon, lubusan na nilang tatamasahin ang maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos bilang bahagi ng pansansinukob na pamilya ng Diyos. Lahat ng matatalinong nilalang sa langit at sa lupa ay muli na namang magkakaisa sa pagsamba sa kaniya bilang ang tanging tunay na Diyos. Sumapit na sa panahong iyon ang layunin ni Jehova sa maluwalhating tagumpay! Nais mo bang maging bahagi ng maligaya, walang hanggan, at pansansinukob na pamilyang iyon? Kung oo, pinasisigla ka namin na bigyang-pansin ang sinasabi ng Bibliya sa 1 Juan 2:17: “Ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.”