Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May Anumang Bagay ba na “Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos”?
    Ang Bantayan—2008 | Agosto 1
    • Maging Malapít sa Diyos

      May Anumang Bagay ba na “Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos”?

      Roma 8:38, 39

      SINO sa atin ang hindi nangangailangan ng pagmamahal? Oo, sumusulong tayo kapag mahal tayo ng ating pamilya at mga kaibigan. Pero nakalulungkot, ang ugnayan ng mga tao ay napakarupok at nagbabago. Maaaring tayo ay sinasaktan, iniiwan, o itinatakwil pa nga ng ating mga mahal sa buhay. Pero may isang persona na ang pag-ibig ay hindi kailanman nagbabago. Sa Roma 8:38, 39, napakaganda ng pagkakalarawan sa pag-ibig ng Diyos na Jehova sa kaniyang mga mananamba.

  • May Anumang Bagay ba na “Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos”?
    Ang Bantayan—2008 | Agosto 1
    • “Kahit ang taas kahit ang lalim.” Iniibig ni Jehova ang kaniyang bayan anuman ang kanilang kalagayan​—maganda man o masaklap.

      “Kahit ang anupamang ibang nilalang.” Sa mga salitang ito na sumasaklaw sa lahat ng nilalang, sinasabi ni Pablo na talagang wala ni isa man ang makapaghihiwalay sa tapat na mga mananamba mula sa pag-ibig ni Jehova.

      Di-gaya ng pag-ibig ng tao, na maaaring magbago o kumupas, ang pag-ibig ng Diyos sa mga sumasampalataya sa kaniya ay hindi maaaring magbago; ito’y walang hanggan. Sa pagkaalam nito, tiyak na mauudyukan tayo na lalong mapalapít kay Jehova at gawin ang lahat ng ating makakaya para patunayan ang ating pag-ibig sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share