-
Patuloy na Hanapin Muna ang “Kaniyang Katuwiran”Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
-
-
Panganib ng Pagiging Mapagmatuwid-sa-Sarili
5. Anong panganib ang dapat nating iwasan?
5 Sa kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Roma, idiniin ni Pablo ang isang panganib na dapat iwasan para mahanap muna natin ang katuwiran ng Diyos. Tungkol sa kaniyang mga kapuwa Judio, sinabi ni Pablo: “Nagpapatotoo ako tungkol sa kanila na may sigasig sila sa Diyos; ngunit hindi ayon sa tumpak na kaalaman; sapagkat, dahil sa hindi pagkaalam sa katuwiran ng Diyos kundi pinagsisikapang itatag ang sa kanilang sarili, hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.” (Roma 10:2, 3) Ayon kay Pablo, hindi nauunawaan ng mga Judiong iyon ang katuwiran ng Diyos dahil abalang-abala sila sa pagtatatag ng kanilang sariling katuwiran.a
-
-
Patuloy na Hanapin Muna ang “Kaniyang Katuwiran”Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
-
-
a Ayon sa isang iskolar, ang orihinal na salitang isinaling ‘magtatag’ ay puwede ring mangahulugang ‘magtayo ng monumento.’ Kaya sa diwa, ang mga Judiong iyon ay nagtatayo ng makasagisag na monumento para sa kanilang sariling kapurihan at hindi sa Diyos.
-