Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 4. Gusto ni Jehova na malaman at gamitin mo ang pangalan niya

      Ano ang nagpapakita na gusto ni Jehova na malaman mo ang pangalan niya? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: May Pangalan Ba ang Diyos?​—Video Clip (3:​11)

      Eksena sa video na ‘May Pangalan Ba ang Diyos?​—Video Clip.’ Lalaking pinag-aaralan ang pangalan ng Diyos, Jehova, na nasa Awit 83:18 sa ‘King James Version’ ng 1611.
      • Sa tingin mo, gusto ba ni Jehova na malaman ng mga tao ang pangalan niya? Bakit?

      Gusto ni Jehova na gamitin ng mga tao ang pangalan niya. Basahin ang Roma 10:13. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Bakit mahalaga na gamitin natin ang pangalang Jehova?

      • Ano ang mararamdaman mo kapag naaalala ng iba ang pangalan mo, at tinatawag ka sa pangalan mo?

      • Ano kaya ang nararamdaman ni Jehova kapag ginagamit mo ang pangalan niya?

  • Inilalayo ng mga Huwad na Relihiyon ang mga Tao sa Diyos
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 1. Paano inilalayo ng mga itinuturo ng huwad na relihiyon ang mga tao sa Diyos?

      “Pinili [ng mga huwad na relihiyon] ang kasinungalingan sa halip na ang katotohanan tungkol sa Diyos.” (Roma 1:25) Halimbawa, hindi nila itinuturo ang pangalan ng Diyos sa mga miyembro nila. Pero sinasabi ng Bibliya na dapat gamitin ang pangalan ng Diyos. (Roma 10:​13, 14) Sinasabi pa ng ilang lider ng relihiyon na kapag may nangyaring masama, kalooban iyon ng Diyos at gusto niyang mangyari iyon. Pero hindi iyan totoo. Hinding-hindi gagawa ng masama ang Diyos. (Basahin ang Santiago 1:13.) Dahil sa mga kasinungalingang ito, nahihirapan ang mga tao na mahalin ang Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share