Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘O ang Lalim ng Karunungan ng Diyos!’
    Ang Bantayan—2011 | Mayo 15
    • 17. Bakit “salungat sa kalikasan” ang ginawa ni Jehova?

      17 Ikagugulat ng marami ang ginawa ni Jehova. Sinabi ni Pablo na ito’y “salungat sa kalikasan.” (Roma 11:24) Bakit kaya? Buweno, hindi pangkaraniwan, ni hindi nga natural, na ihugpong ang ligáw na sanga sa isang alagang puno; pero ginagawa ito ng ilang magsasaka noong unang siglo.b Sa katulad na paraan, hindi rin pangkaraniwan ang ginawa ni Jehova. Sa pananaw ng mga Judio, hindi makapagluluwal ng kaayaayang bunga ang mga Gentil. Subalit ginawa sila ni Jehova na bahagi ng “isang bansang” nagluluwal ng mga bunga ng Kaharian. (Mat. 21:43) Mula nang pahiran si Cornelio​—ang unang di-tuling Gentil na nakumberte​—noong 36 C.E., nabuksan sa di-tuling mga Judio ang oportunidad na maihugpong sa makasagisag na punong olibo.​—Gawa 10:44-48.c

      18. Ano ang oportunidad ng likas na mga Judio pagkaraan ng 36 C.E.?

      18 Nangangahulugan ba ito na pagkaraan ng 36 C.E., wala nang oportunidad ang likas na mga Judio na maging bahagi ng binhi ni Abraham? Hindi naman. Sinabi ni Pablo: “Sila [likas na mga Judio] rin, kung hindi sila mananatili sa kanilang kawalan ng pananampalataya, ay ihuhugpong; sapagkat maihuhugpong silang muli ng Diyos. Sapagkat kung ikaw ay pinutol mula sa punong olibo na likas na ligáw at inihugpong sa alagang punong olibo nang salungat sa kalikasan, lalo pa ngang ang mga ito na likas ay ihuhugpong sa kanilang sariling punong olibo!”d​—Roma 11:23, 24.

  • ‘O ang Lalim ng Karunungan ng Diyos!’
    Ang Bantayan—2011 | Mayo 15
    • d Ang unlaping Griego na isinaling ‘alaga’ sa Roma 11:24 ay mula sa salita na nangangahulugang “mabuti, mahusay” o “angkop na angkop sa layunin nito.” Partikular itong ginagamit para sa mga bagay na nakatutugon sa layunin kung bakit iyon ginawa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share