Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sistema ng mga Bagay, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ganito ang isinulat ng apostol sa mga Kristiyanong nasa Roma: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” (Ro 12:2) Hindi ang mismong yugto ng panahon ang nagtatakda ng parisan, o modelo para sa mga tao ng panahong iyon, kundi ang mga pamantayan, mga kaugalian, mga asal, mga kostumbre, mga paraan, pangmalas, istilo, at iba pang mga katangiang pagkakakilanlan ng yugtong iyon ng panahon. Sa Efeso 2:1, 2, tinukoy ng apostol yaong mga sinulatan niya bilang “patay sa inyong mga pagkakamali at mga kasalanan, na siyang nilakaran ninyo noong una ayon sa sistema ng mga bagay [“bilang pagsunod sa daan,” JB; “bilang pagsunod sa landas,” RS] ng sanlibutang ito.” Bilang komento sa tekstong ito, ipinakikita ng The Expositor’s Greek Testament (Tomo III, p. 283) na hindi lamang panahon ang tangi o pangunahing salik na itinatawid dito ng ai·onʹ. Bilang suporta sa pagkakasalin ng ai·onʹ bilang “landas,” sinasabi nito: “Ipinahihiwatig ng salitang iyan ang tatlong ideya ng kalagayan, pagsulong, at pagkapanandalian. Ang landas na ito ng isang masamang sanlibutan ay kasamaan mismo, at ang mamuhay kasuwato nito ay pamumuhay sa pagkakamali at mga kasalanan.”​—Inedit ni W. Nicoll, 1967.

  • Sistema ng mga Bagay, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Umiiral na ang makasanlibutang ai·onʹ, o sistema ng mga bagay, bago pa man ipinakilala ang tipang Kautusan. Nagpatuloy ito kasabay ng ai·onʹ ng tipang iyon, at namalagi ito kahit nagwakas na ang ai·onʹ, o kalakaran ng mga bagay-bagay, na pinasimulan ng tipang Kautusan. Maliwanag na ang makasanlibutang ai·onʹ ay nagsimula ilang panahon pagkatapos ng Baha, nang lumitaw ang isang likong paraan ng pamumuhay, na ang pagkakakilanlan ay pagkakasala at paghihimagsik sa Diyos at sa kaniyang kalooban. Kaya naman, masasabi ni Pablo na binulag ng “diyos ng sistemang ito ng mga bagay” ang mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya, anupat maliwanag na tinutukoy niya si Satanas na Diyablo. (2Co 4:4; ihambing ang Ju 12:31.) Ang pamumuno at impluwensiya ni Satanas ang pangunahing humuhubog sa makasanlibutang ai·onʹ at nagbibigay rito ng naiibang mga katangian at espiritu nito. (Ihambing ang Efe 2:1, 2.) Bilang komento sa Roma 12:2, ganito ang sabi ng The Expositor’s Greek Testament (Tomo II, p. 688): “Kahit ang tila o pakunwaring pag-ayon sa isang sistemang kontrolado ng gayong espiritu, lalo na ang aktuwal na pagtanggap sa mga pamamaraan nito, ay nakamamatay sa buhay Kristiyano.” Ang makasanlibutang ai·onʹ na iyon ay magpapatuloy pa nang mahabang panahon pagkatapos ng mga araw ng apostol.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share