Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 | Huwag Maghiganti
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Turo ng Bibliya:

      “Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. . . . Kung posible, hangga’t nakadepende sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, . . . dahil nasusulat: ‘“Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,” sabi ni Jehova.’”​—ROMA 12:17-19.

      Ang Ibig Sabihin:

      Normal lang na magalit tayo kapag nagawan tayo ng mali. Pero ayaw ng Diyos na maghiganti tayo. Gusto niyang hintayin natin siya kasi malapit na niyang ituwid ang lahat ng mali.​—Awit 37:7, 10.

  • 2 | Huwag Maghiganti
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Nakipag-aral ng Bibliya si Adrián noong 16 siya. Sinabi niya: “Sa patuloy kong pag-aaral ng Bibliya, nakita kong dapat kong baguhin ang aking personalidad.” Kinailangan niyang daigin ang poot at huwag maging marahas. Nakatulong sa kaniya ang binanggit sa Roma 12:17-19 na huwag maghiganti. Sinabi niya: “Naunawaan kong si Jehova ang mag-aalis ng kawalang-katarungan sa kaniyang takdang panahon at paraan. Unti-unti kong napagtagumpayan ang aking pagiging marahas.”

      Isang gabi, sinugod si Adrián ng isang grupo ng mga kabataang dati nilang kalaban. Sumigaw ang lider ng gang na iyon: “Lumaban ka!” Sinabi ni Adrián: “Gustong-gusto ko nang lumaban.” Imbes na gumanti, nanalangin siya kay Jehova at umalis na lang.

      Sinabi pa ni Adrián: “Kinabukasan, nakasalubong ko ulit ang lider ng grupo at nag-iisa siya. Kumulo ang dugo ko at gusto ko sanang gumanti. Pero nanalangin ulit ako kay Jehova na sana’y makapagpigil ako. Nagulat ako nang lumapit siya at nagsabi: ‘Pasensiya ka na sa nangyari kagabi. Ang totoo, gusto ko sanang maging gaya mo. Gusto ko ring mag-aral ng Bibliya.’ Buti na lang at nakontrol ko ang galit ko! Dahil doon, magkasama na kaming nag-aral ng Bibliya.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share