-
‘Patuloy na Daigin ang Masama’—Kontrolin ang GalitAng Bantayan—2010 | Hunyo 15
-
-
10. Ano ang dapat na maging saloobin ng mga Kristiyano sa paghihiganti?
10 Batay sa nangyari kina Simeon at Levi at kina David at Abigail, maliwanag na hindi sang-ayon si Jehova sa mararahas at sa mga hindi makapagpigil ng galit, samantalang pinagpapala naman niya ang mga nakikipagpayapaan. “Kung posible, hangga’t nakasalalay sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao,” isinulat ni apostol Pablo. “Huwag ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyan ninyo ng dako ang poot; sapagkat nasusulat: ‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ni Jehova.’ Kundi, ‘kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya; kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom; sapagkat sa paggawa nito ay magbubunton ka ng maaapoy na baga sa kaniyang ulo.’ Huwag kang padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ng mabuti ang masama.”—Roma 12:18-21.a
-
-
‘Patuloy na Daigin ang Masama’—Kontrolin ang GalitAng Bantayan—2010 | Hunyo 15
-
-
a Ang “maaapoy na baga” ay tumutukoy sa sinaunang paraan ng pagtunaw sa inambato (ore), na nilalagyan ng baga sa ibabaw at sa ilalim para makuha ang metal. Kung magiging mabait tayo sa matitigas ang loob, baka mapalambot ang puso nila at mapakilos na magpakita ng magagandang ugali.
-