Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Makipagpayapaan Kayo sa Lahat ng Tao”
    Ang Bantayan—2009 | Oktubre 15
    • Daigin ng Mabuti ang Masama

      13, 14. (a) Bakit hindi tayo nagtataka kapag sinasalansang tayo? (b) Paano natin pinagpapala ang mga nang-uusig sa atin?

      13 Basahin ang Roma 12:14, 21. Palibhasa’y nakatitiyak tayong tutuparin ni Jehova ang mga layunin niya, natututukan natin nang husto ang gawaing ibinigay niya sa atin​—ang pangangaral ng ‘mabuting balita ng kaharian sa buong tinatahanang lupa.’ (Mat. 24:14) Alam nating ikagagalit ito ng ating mga kaaway, dahil nagbabala si Jesus: “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (Mat. 24:9) Kaya naman hindi tayo nagtataka o pinanghihinaan ng loob kapag sinasalansang tayo. Sumulat si apostol Pedro: “Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa panununog sa gitna ninyo, na nangyayari sa inyo bilang isang pagsubok, na para bang isang kakaibang bagay ang nangyayari sa inyo. Sa halip, patuloy kayong magsaya yamang kayo ay mga kabahagi sa mga pagdurusa ng Kristo.”​—1 Ped. 4:12, 13.

  • “Makipagpayapaan Kayo sa Lahat ng Tao”
    Ang Bantayan—2009 | Oktubre 15
    • 15. Ano ang pinakamahusay na paraan para madaig ng mabuti ang masama?

      15 Kaya naman sinusunod ng isang tunay na Kristiyano ang nasa huling talata ng Roma kabanata 12: “Huwag kang padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ng mabuti ang masama.” Si Satanas na Diyablo ang ugat ng lahat ng kasamaan. (Juan 8:44; 1 Juan 5:19) Sa pagsisiwalat na ibinigay kay apostol Juan, sinabi ni Jesus na si Satanas ay “dinaig [ng Kaniyang pinahirang mga kapatid] dahil sa dugo ng Kordero at dahil sa salita ng kanilang pagpapatotoo.” (Apoc. 12:11) Ipinakikita nito na ang pinakamahusay na paraan para madaig si Satanas at ang kaniyang masamang impluwensiya sa ngayon ay ang paggawa ng mabuti sa pamamagitan ng pagpapatotoo tungkol sa mabuting balita ng Kaharian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share