Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Diyos at si Cesar
    Ang Bantayan—1996 | Mayo 1
    • 11. Papaano pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyano sa kanilang pakikitungo sa makasanlibutang mga tagapamahala?

      11 Kasuwato nito kung kaya, mahigit 20 taon pagkamatay ni Kristo, sinabi ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Roma: “Ang bawat kaluluwa ay magpasakop sa nakatataas na mga awtoridad.” (Roma 13:1) Mga sampung taon pagkaraan, sandaling panahon bago ng kaniyang ikalawang pagkabilanggo at pagbitay sa kaniya sa Roma, sumulat si Pablo kay Tito: “Patuloy na paalalahanan mo sila [ang mga Kristiyano sa Creta] na magpasakop at maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad bilang mga tagapamahala, na maging handa para sa bawat mabuting gawa, na huwag magsalita nang nakapipinsala tungkol sa kaninuman, huwag maging palaaway, maging makatuwiran, nagpapakita ng buong kahinahunan sa lahat ng tao.”​—Tito 3:1, 2.

      Pasulong na Pagkaunawa sa “Nakatataas na mga Awtoridad”

      12. (a) Ano ang pangmalas ni Charles Taze Russell bilang wastong posisyon ng isang Kristiyano may kinalaman sa mga awtoridad ng pamahalaan? (b) Hinggil sa serbisyo sa hukbong sandatahan, anong iba’t ibang posisyon ang taglay ng mga pinahirang Kristiyano noong Digmaang Pandaigdig I?

      12 Sing-aga ng 1886, ganito ang isinulat ni Charles Taze Russell sa aklat na The Plan of the Ages: “Maging si Jesus ni ang mga Apostol man ay hindi nakialam sa mga makalupang tagapamahala sa anumang paraan. . . . Tinuruan nila ang Iglesya na sumunod sa mga batas, at igalang yaong mga nasa awtoridad dahil sa kanilang katungkulan, . . . na magbayad ng kanilang itinakdang mga buwis, at maliban na kung ang mga ito ay salungat sa mga batas ng Diyos (Gawa 4:19; 5:29) ay huwag sumalungat sa anumang itinakdang batas. (Roma 13:1-7; Mat. 22:21) Si Jesus at ang mga Apostol at ang sinaunang iglesya ay pawang masunurin sa batas, bagaman sila ay hiwalay, at hindi nakibahagi sa mga pamahalaan ng sanlibutang ito.” May kawastuang ipinakilala ng aklat na ito “ang mas mataas na mga kapangyarihan,” o “nakatataas na mga awtoridad,” na binanggit ni apostol Pablo, bilang ang mga awtoridad ng pamahalaan ng tao. (Roma 13:1, King James Version) Sinabi ng aklat na The New Creation noong 1904 na ang tunay na mga Kristiyano ay “dapat na kabilang sa mga pinakamasunurin sa batas sa ngayon​—hindi mga manunulsol, hindi palaaway, hindi mapamintas.” Sa pagkaunawa ng ilan ay nangangahulugan ito ng lubusang pagpapasakop sa mga kapangyarihang iyon, maging hanggang sa pagseserbisyo sa hukbong sandatahan noong Digmaang Pandaigdig I. Gayunman, minalas ng iba na ito ay salungat sa sinabi ni Jesus: “Ang lahat niyaong mga kumukuha ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.” (Mateo 26:52) Lumilitaw na kailangan ang isang mas maliwanag na pagkaunawa sa Kristiyanong pagpapasakop sa nakatataas na mga awtoridad.

      13. Anong pagbabago sa pagkaunawa ng pagkakakilanlan ng mas mataas na mga kapangyarihan ang iniharap noong 1929, at papaano ito napatunayang kapaki-pakinabang?

      13 Noong 1929, nang ang mga batas ng iba’t ibang pamahalaan ay magsimulang magbawal ng mga bagay na iniuutos ng Diyos o humiling ng mga bagay na salungat sa mga batas ng Diyos, inakala na ang mas mataas na mga kapangyarihan ay tiyak na ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo.b Ito ang pagkaunawa ng mga lingkod ni Jehova noong mapanganib na yugto bago at sa panahon ng Digmaang Pandaigdig II at patuloy hanggang sa Cold War, lakip ang págtatakután na nagaganap noon at ang pagiging handa sa militar. Sa paggunita, masasabi na ang pangmalas na ito sa mga bagay-bagay, anupat dumadakila sa kahigitan ni Jehova at ng kaniyang Kristo, ay tumulong sa bayan ng Diyos upang mapanatili ang matatag na paninindigang neutral sa loob ng mahirap na yugtong ito.

      Relatibong Pagpapasakop

      14. Papaano sumikat ang mas matinding liwanag sa Roma 13:1, 2 at sa kaugnay na mga kasulatan noong 1962?

      14 Nakumpleto ang New World Translation of the Holy Scriptures noong 1961. Ang paghahanda nito ay nangailangan ng lubusang pag-aaral sa wika na ginamit sa Kasulatan. Ang eksaktong salin ng mga salitang ginamit hindi lamang sa Roma kabanata 13 kundi gayundin sa mga tekstong gaya ng Tito 3:1, 2 at 1 Pedro 2:13, 17 ay nagpaging malinaw na ang terminong “nakatataas na mga awtoridad” ay tumutukoy, hindi sa Kataas-taasang Awtoridad na si Jehova at sa kaniyang Anak na si Jesus, kundi sa mga awtoridad ng pamahalaan ng tao. Noong bandang katapusan ng 1962, naglathala ng mga artikulo sa Ang Bantayan na nagbibigay ng tumpak na paliwanag sa Roma kabanata 13 at naglaan din ng mas malinaw na pangmalas kaysa sa pangmalas noong panahon ni C. T. Russell. Binanggit ng mga artikulong ito na ang pagpapasakop ng Kristiyano sa mga awtoridad ay hindi maaaring lubusan. Ito ay dapat na relatibo, anupat hindi ito dapat humantong sa pagsalungat ng mga lingkod ng Diyos sa mga batas ng Diyos. Karagdagan pang mga artikulo sa Ang Bantayan ang nagbigay-diin sa mahalagang puntong ito.c

      15, 16. (a) Anong mas timbang na pangmalas ang ibinunga ng bagong pagkaunawa sa Roma kabanata 13? (b) Ano pang mga tanong ang sasagutin?

      15 Ang susing ito sa wastong pagkaunawa sa Roma kabanata 13 ay nagpangyari sa bayan ni Jehova na mapagtimbang ang paggalang na nauukol sa pulitikal na mga awtoridad at ang matatag na paninindigan sa mahahalagang simulain sa Kasulatan. (Awit 97:11; Jeremias 3:15) Ito’y nagpahintulot sa kanila na magkaroon ng wastong pangmalas sa kanilang kaugnayan sa Diyos at sa kanilang pakikitungo sa Estado. Tiniyak nito na samantalang ibinabayad nila kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, hindi nila kinaliligtaang ibayad sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.

  • Ang Diyos at si Cesar
    Ang Bantayan—1996 | Mayo 1
    • Kapansin-pansin, sa kaniyang komentaryo sa Roma kabanata 13, sumulat si Propesor F. F. Bruce: “Maliwanag buhat sa mismong konteksto, gaya ng sa pangkalahatang konteksto ng mga isinulat ng mga apostol, na ang estado ay may karapatang mag-utos ng pagsunod tangi lamang kung ito’y nakapaloob sa hangganan ng layunin ng pagkatatag dito ng Diyos​—higit sa lahat, ang estado ay hindi lamang maaaring tanggihan kundi talagang dapat tanggihan kapag hinihingi nito ang katapatan na nauukol lamang sa Diyos.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share