Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Sinag ng Liwanag—Malalaki at Maliliit (Ikalawang Bahagi)
    Ang Bantayan—1995 | Mayo 15
    • Ipinaliwanag ang “Nakatataas na mga Kapangyarihan”

      4, 5. (a) Papaano minalas ng mga Estudyante ng Bibliya ang Roma 13:1? (b) Ano ang naunawaan nang maglaon bilang maka-Kasulatang pangmalas hinggil sa “nakatataas na mga kapangyarihan”?

      4 Isang maningning na sinag ng liwanag ang nakita noong 1962 hinggil sa Roma 13:1, na nagsasabi: “Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa nakatataas na mga kapangyarihan [“nakatataas na mga awtoridad,” Bagong Sanlibutang Salin].” (King James Version) Inakala ng unang mga Estudyante ng Bibliya na ang “nakatataas na mga kapangyarihan” na binanggit doon ay tumutukoy sa makasanlibutang mga awtoridad. Inakala nilang ang ibig sabihin ng kasulatang ito ay na kapag ang isang Kristiyano ay kinalap sa panahon ng digmaan, siya’y obligadong magsuot ng uniporme, magsakbat ng baril, at pumunta sa labanan, sa mga trintsera. Nadama na yamang hindi maaaring pumatay ng kapuwa ang isang Kristiyano, siya’y mapipilitang magpaputok ng kaniyang baril paitaas kapag wala nang magagawang paraan.a

      5 Buong-linaw na ipinaliwanag ng Ang Bantayan ng Hulyo 15 at ng Agosto 1, 1963 ang paksang ito sa pagtalakay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 22:21: “Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” Kaugnay nito ang sinabi ng mga apostol sa Gawa 5:29: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.” Ang mga Kristiyano ay nagpapasakop kay Cesar​—ang “nakatataas na mga kapangyarihan”​—​hangga’t hindi nito hinihiling na ang Kristiyano ay sumalungat sa batas ng Diyos. Naunawaan na ang pagpapasakop kay Cesar ay relatibo, hindi lubusan. Ibinabayad ng mga Kristiyano kay Cesar ang mga bagay na hindi salungat sa mga kahilingan ng Diyos. Ano ngang laking kasiyahan ang idinulot ng pagkaunawa hinggil sa paksang iyan!

  • Mga Sinag ng Liwanag—Malalaki at Maliliit (Ikalawang Bahagi)
    Ang Bantayan—1995 | Mayo 15
    • a Bilang reaksiyon sa pangmalas na ito, ipinakahulugan ng The Watch Tower ng Hunyo 1 at ng Hunyo 15, 1929, ang “nakatataas na mga kapangyarihan” bilang ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo. Pangunahin nang ito ang pangmalas na itinuwid noong 1962.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share