Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Hindi Sila Bahagi ng Sanlibutan”
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Ang kanila bang paniniwala sa mga bagay na ito na nakaulat sa Bibliya ay humihimok ng kawalang-paggalang sa kapangyarihan ng pamahalaan? Hindi naman. Sa halip, ito’y tumulong sa kanila na maunawaan kung bakit ang mga suliraning napapaharap sa mga pinunò ay gayon na lamang kasalimuot, kung bakit laganap ang katampalasanan, at kung bakit madalas na nabibigo ang mga programa ng pamahalaan na paunlarin ang pamumuhay ng mga tao. Ang kanilang paniniwala ay nagpangyari sa kanila na magtiis kapag may kahirapan, sapagkat may tiwala sila na sa kaniyang takdang panahon ay magdadala ang Diyos ng walang-hanggang kaginhawahan sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian. Noon ay naunawaan nila na “ang nakatataas na kapangyarihan,” na binanggit sa Roma 13:1-7 (KJ), ay ang makasanlibutang mga pinunò. Kaugnay niyan, hinimok nila ang paggalang sa mga pinunò ng pamahalaan. Sa pagtalakay sa Roma 13:7, sinabi ni C. T. Russell sa aklat na The New Creation (inilathala noong 1904), na ang tunay na mga Kristiyano “ay likas lamang na magiging pinakatapat sa kanilang pagkilala sa mga nakatataas sa sanlibutang ito, at pinakamasunurin sa mga batas at mga kahilingan ng batas, maliban kung ito’y mapatunayang salungat sa makalangit na mga kahilingan at mga utos. Iilan lamang kung mayroon man sa makasanlibutang mga pinunò ang di-sang-ayon sa pagkilala sa isang kataas-taasang Maylikha at sa isang sukdulang pagsunod sa kaniyang mga utos. Kaya nga, [ang tunay na mga Kristiyano] ay dapat na kabilang sa mga pinakamasunurin sa batas sa ngayon​—hindi manunulsol, hindi palaaway, hindi mapamintas.”

  • “Hindi Sila Bahagi ng Sanlibutan”
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
    • Bagaman sila’y nagsikap na gawin ang sa palagay nila’y nakalulugod sa Diyos, ang kanilang katayuan ay hindi laging may lubusang pagkaneutral. Ang kanilang ginawa ay naimpluwensiyahan ng paniniwala, na gaya rin ng ibang nag-aangking Kristiyano, na “ang nakatataas na mga kapangyarihan” ay “hinirang ng Diyos,” ayon sa pagkakasabi ng King James Version. (Roma 13:1) Sa gayon, kaayon ng isang proklamasyon ng presidente ng Estados Unidos, hinimok ng The Watch Tower ang mga Estudyante ng Bibliya na makilahok sa pagdiriwang ng Mayo 30, 1918, bilang isang araw ng pananalangin at pagsusumamo may kaugnayan sa kalalabasan ng digmaang pandaigdig.a

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share