-
Dapat Bang Makibahagi ang mga Kristiyano sa mga Kapistahan ng Bagong Taon?Gumising!—2002 | Enero 8
-
-
Pinaaalalahanan ng Bibliya ang mga Kristiyano na “lumakad . . . nang disente, hindi sa mga walang-taros na pagsasaya at mga paglalasingan.”a (Roma 13:12-14; Galacia 5:19-21; 1 Pedro 4:3) Yamang ang mga kapistahan ng Bagong Taon ay madalas na kakikitaan ng mismong mga kalabisan na hinahatulan ng Bibliya, hindi nakikibahagi ang mga Kristiyano sa mga ito. Hindi ito nangangahulugan na hindi sumasang-ayon ang mga Kristiyano sa pagsasaya. Sa kabaligtaran, alam nila na paulit-ulit na sinasabi ng Bibliya sa mga mananamba ng tunay na Diyos na sila ay magsaya—at sa maraming kadahilanan. (Deuteronomio 26:10, 11; Awit 32:11; Kawikaan 5:15-19; Eclesiastes 3:22; 11:9) Kinikilala rin ng Bibliya na ang pagkain at pag-inom ay madalas na may kalakip na pagsasaya.—Awit 104:15; Eclesiastes 9:7a.
-
-
Dapat Bang Makibahagi ang mga Kristiyano sa mga Kapistahan ng Bagong Taon?Gumising!—2002 | Enero 8
-
-
a Maaaring kasama sa tinukoy ni Pablo na “walang-taros na pagsasaya at mga paglalasingan” ang mga nagaganap sa mga kapistahan ng Bagong Taon, yamang popular ang mga ito sa Roma noong unang siglo.
-