Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paano Makakagawa ng Tamang Desisyon
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Irespeto ang konsensiya ng iba

      Iba-iba ang magiging desisyon ng bawat tao sa isang sitwasyon. Paano natin irerespeto ang konsensiya ng iba? Tingnan ang dalawang sitwasyon:

      Sitwasyon 1: Isang sister na mahilig mag-makeup ang lumipat sa isang kongregasyon. Hindi sanay ang mga sister doon na makakita ng ganoon.

      Basahin ang Roma 15:1 at 1 Corinto 10:​23, 24. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kung pag-iisipan ng sister na iyon ang mga teksto, ano ang puwede niyang maging desisyon? Ano ang gagawin mo kung sinasabi ng konsensiya mo na tama ang isang bagay pero nakokonsensiya rito ang iba?

      Sitwasyon 2: Alam ng isang brother na hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang katamtamang pag-inom ng alak, pero mas gusto pa rin niya na hindi uminom. Inimbitahan siya sa isang gathering at nakita niya ang mga kapatid na umiinom ng alak.

      Basahin ang Eclesiastes 7:16 at Roma 14:​1, 10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Kung pag-iisipan ng brother na iyon ang mga teksto, ano ang puwede niyang maging desisyon? Ano ang gagawin mo kung nakokonsensiya ka na gawin ang isang bagay, pero nakita mo na ginagawa ito ng iba?

      Mga dapat gawin bago magdesisyon

      Babaeng nananalangin.

      1. Manalangin kay Jehova bago magdesisyon.​—Santiago 1:5.

      Ang babae ring iyon na nagre-research gamit ang Bibliya, mga publikasyong base sa Bibliya, at computer.

      2. Mag-research gamit ang Bibliya at mga publikasyong base sa Bibliya para makita ang mga prinsipyo na bagay sa sitwasyon mo. Puwede ka ring magtanong sa makaranasang mga kapatid.

      Ang babae ring iyon na nag-iisip.

      3. Pag-isipan ang magiging epekto ng desisyon mo sa konsensiya mo at ng iba.

  • Kung Bakit Mahalaga ang Pananamit at Hitsura Natin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Paano makakaapekto sa mga kapatid sa kongregasyon ang hitsura natin?

      Kahit may kalayaan tayong pumili ng damit, dapat pa rin nating isipin ang magiging epekto nito sa iba. Sinisikap nating hindi makatisod, at iniisip natin na ‘palugdan ang kapuwa natin para sa ikabubuti at ikatitibay nila.’​—Basahin ang Roma 15:​1, 2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share