Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Babaing Kristiyano—Pananatiling Tapat sa Lugar ng Trabaho
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • Isang maunawaing babae na nagngangalang Betty ang gumagawa ng isa pang paraan ng pag-iingat. Ang sabi niya: “Nagpapakaingat ako tungkol sa pakikihalubilo sa aking mga kamanggagawa sapagkat ang kanilang asal ay iba kaysa akin.” (1 Corinto 15:33) Hindi naman ibig sabihin nito na ikaw ay magpapakalayo o magagalit ka sa iyong mga kamanggagawa. Ngunit pagka iginiit nila na makipag-usap sa iyo ng mga bagay na hindi nararapat sa isang Kristiyano, huwag mag-atubili na humingi ng paumanhin at lumayo. (Efeso 5:3, 4) Ang kahit pakikinig mo lamang sa gayong imoral na usapan ay maaaring magbigay sa mga kamanggagawang lalaki ng impresyon na pagbibigyan mo ang kanilang mga imoral na hangarin.

  • Mga Babaing Kristiyano—Pananatiling Tapat sa Lugar ng Trabaho
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • Sa wakas, ang isang maunawaing babae ay umiiwas sa mga situwasyong alanganin. Ang imbitasyon na makipag-inuman o magpaiwan sa trabaho pagkatapos ng oras ng pagtatrabaho nang wala namang nakikitang dahilan ay maaaring magsilbing isang patibong. (Ihambing ang 2 Samuel 13:1-14.) “Pantas ang isa na nakakita sa kasakunaan at nagkukubli,” ang sabi ng isang pantas na kawikaan.​—Kawikaan 22:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share