Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?
    Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
    • 4. (a) Ano ang naging papel ni Pablo sa gawaing pagtatayo ng mga Kristiyano? (b) Bakit masasabi na alam kapuwa ni Jesus at ng kaniyang mga tagapakinig ang kahalagahan ng mahuhusay na pundasyon?

      4 Upang maging matatag at matibay ang isang gusali, kailangan na ito’y may mahusay na pundasyon. Kaya naman, sumulat si Pablo: “Ayon sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin, gaya ng isang marunong na direktor ng mga gawain ay naglagay ako ng pundasyon.” (1 Corinto 3:10) Sa paggamit ng kahawig na ilustrasyon, sinabi ni Jesu-Kristo ang tungkol sa isang bahay na nakaligtas sa isang bagyo dahil pumili ang nagtayo nito ng isang matibay na pundasyon. (Lucas 6:47-​49) Alam na alam ni Jesus ang tungkol sa kahalagahan ng mga pundasyon. Naroroon siya nang itatag ni Jehova ang lupa.a (Kawikaan 8:29-​31) Nauunawaan din ng mga tagapakinig ni Jesus ang kahalagahan ng mahuhusay na pundasyon. Tanging ang mga bahay na may matitibay na pundasyon ang makatatagal sa mga biglaang pagbaha at paglindol na nagaganap kung minsan sa Palestina. Subalit ano ba ang pundasyon na nasa isip ni Pablo?

  • Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?
    Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
    • 7. Ano ang matututuhan natin mula sa pagtukoy ni Pablo sa kaniyang sarili bilang “isang marunong na direktor ng mga gawain”?

      7 Sinabi ni Pablo na ginawa niya ang gayong pagtuturo “gaya ng isang marunong na direktor ng mga gawain.” Hindi nagpapahiwatig ng paghahambog ang pangungusap na ito. Pagkilala lamang iyon sa isang kahanga-hangang kaloob na ibinigay ni Jehova sa kaniya​—yaong pag-oorganisa o pangunguna sa gawain. (1 Corinto 12:28) Totoo, hindi natin taglay ngayon ang makahimalang mga kaloob na ibinigay sa mga Kristiyano noong unang siglo. At baka hindi natin ituring na mahuhusay na guro ang ating sarili. Ngunit sa isang mahalagang diwa, ganoon tayo. Isaalang-alang ito: Ipinagkakaloob ni Jehova sa atin ang kaniyang banal na espiritu upang tulungan tayo. (Ihambing ang Lucas 12:11, 12.) At iniibig natin si Jehova at alam natin ang mga saligang turo sa kaniyang Salita. Tunay na kahanga-hangang mga kaloob ito para gamitin sa pagtuturo sa iba. Ipasiya nating gamitin ang mga ito sa paglalatag ng tamang pundasyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share