-
Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
-
-
9. Bagaman si Pablo ay pangunahin nang isang tagapaglatag ng pundasyon, ano ang ikinababahala niya para sa mga tumanggap ng katotohanan na kaniyang itinuro?
9 Sumulat si Pablo: “Ngayon kung ang sinuman ay nagtatayo sa pundasyon ng ginto, pilak, mahahalagang bato, mga materyales na kahoy, dayami, pinaggapasan, ang gawa ng bawat isa ay mahahayag, sapagkat ang araw ang magpapakita nito, dahil isisiwalat ito sa pamamagitan ng apoy; at ang apoy mismo ang magpapatunay kung anong uri ng gawa ang sa bawat isa.” (1 Corinto 3:12, 13) Ano ba ang ibig sabihin ni Pablo? Tingnan natin ang mga kalagayan sa likod nito. Si Pablo ay pangunahin nang isang tagapaglatag ng pundasyon. Sa kaniyang mga paglalakbay pangmisyonero, naglakbay siya sa mga lunsod, anupat nangangaral sa marami na hindi pa kailanman nakarinig tungkol kay Kristo. (Roma 15:20) Dahil sa tinanggap ng mga tao ang katotohanan na kaniyang itinuro, naitatag ang mga kongregasyon. Nagmalasakit nang husto si Pablo sa mga tapat na ito. (2 Corinto 11:28, 29) Gayunman, dahil sa kaniyang gawain ay kinailangan siyang magpatuloy sa paglalakbay. Kaya matapos gumugol ng 18 buwan sa paglalatag ng pundasyon sa Corinto, lumisan siya upang mangaral sa iba pang lunsod. Gayunman, siya’y lubhang interesado sa kung paano ipinagpatuloy ng iba ang gawain na kaniyang sinimulan doon.—Gawa 18:8-11; 1 Corinto 3:6.
-
-
Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
-
-
11 Ano ang mangyayari kapag nagkasunog sa mga gusaling ito? Maliwanag ang sagot noong panahon ni Pablo kung paanong ito’y maliwanag din sa ating panahon. Sa katunayan, ang lunsod ng Corinto ay sinakop at sinunog ng Romanong Heneral na si Mummius noong 146 B.C.E. Tiyak na natupok ang maraming gusaling yari sa kahoy, dayami, o pinaggapasan. Kumusta naman ang matitibay na gusaling yari sa bato na napalamutian ng pilak at ginto? Tiyak na nanatili ang mga ito. Maaaring nadaraanan sa araw-araw ng mga estudyante ni Pablo sa Corinto ang gayong mga gusali—ang mariringal na gusaling bato na nakaligtas sa mga kapahamakan na matagal nang pumatag sa di-matitibay na gusali sa di-kalayuan. Napakaliwanag, kung gayon, ng pagdiriin ni Pablo sa kaniyang punto! Kapag nagtuturo, kailangang ituring natin ang ating sarili bilang mga tagapagtayo. Ibig nating gumamit ng pinakamahusay at pinakamatibay na mga materyales hangga’t maaari. Sa ganitong paraan ay malamang na tumagal ang ating gawa. Ano ba ang matitibay na materyales na iyon, at bakit mahalaga na gamitin ang mga ito?
-
-
Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
-
-
12. Sa anu-anong paraan walang ingat sa gawaing pagtatayo ang ilan sa mga Kristiyanong taga-Corinto?
12 Maliwanag, inakala ni Pablo na mahina ang uri ng pagtatayo ng ilang Kristiyano sa Corinto. Ano ba ang suliranin? Gaya ng ipinakikita ng konteksto, ang kongregasyon ay sinasalot ng pagkakabaha-bahagi, ng paghanga sa mga tao sa kabila ng panganib na dulot nito sa pagkakaisa ng kongregasyon. Sinasabi ng ilan, “Ako ay kay Pablo,” samantalang iginigiit naman ng iba, “Ako ay kay Apolos.” Waring napakataas ng pagtingin ng ilan sa kanilang sariling karunungan. Hindi nakapagtataka na ang resulta ay isang kapaligiran ng makalaman na pag-iisip, pagiging di-maygulang sa espirituwal, at palasak na “paninibugho at alitan.” (1 Corinto 1:12; 3:1-4, 18) Tiyak na masasalamin ang ganitong mga saloobin sa pagtuturo na isinagawa sa kongregasyon at sa ministeryo. Nagbunga ito ng kawalang-ingat sa kanilang paggawa ng alagad, gaya ng pagtatayo sa pamamagitan ng marurupok na materyales. Hindi iyon makatatagal sa “apoy.” Ano bang apoy ang binabanggit ni Pablo?
13. Ano ang isinasagisag ng apoy sa ilustrasyon ni Pablo, at sa ano dapat maging alisto ang lahat ng Kristiyano?
13 May isang apoy na kinakaharap nating lahat sa buhay—ang mga pagsubok sa ating pananampalataya. (Juan 15:20; Santiago 1:2, 3) Kailangang malaman ng mga Kristiyano sa Corinto, kung paanong dapat din nating malaman sa ngayon, na ang lahat ng tinuturuan natin ng katotohanan ay susubukin. Kung mahina ang pagtuturo natin, baka nakalulungkot ang ibunga. Nagbabala si Pablo: “Kung ang gawa ng sinuman na itinayo niya rito ay manatili, tatanggap siya ng gantimpala; kung ang gawa ng sinuman ay masunog, daranas siya ng kawalan, ngunit siya mismo ay maliligtas; gayunman, kung gayon, ito ay magiging gaya ng sa pamamagitan ng apoy.”c—1 Corinto 3:14, 15.
-