Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?
    Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
    • 13. Ano ang isinasagisag ng apoy sa ilustrasyon ni Pablo, at sa ano dapat maging alisto ang lahat ng Kristiyano?

      13 May isang apoy na kinakaharap nating lahat sa buhay​—ang mga pagsubok sa ating pananampalataya. (Juan 15:20; Santiago 1:2, 3) Kailangang malaman ng mga Kristiyano sa Corinto, kung paanong dapat din nating malaman sa ngayon, na ang lahat ng tinuturuan natin ng katotohanan ay susubukin. Kung mahina ang pagtuturo natin, baka nakalulungkot ang ibunga. Nagbabala si Pablo: “Kung ang gawa ng sinuman na itinayo niya rito ay manatili, tatanggap siya ng gantimpala; kung ang gawa ng sinuman ay masunog, daranas siya ng kawalan, ngunit siya mismo ay maliligtas; gayunman, kung gayon, ito ay magiging gaya ng sa pamamagitan ng apoy.”c​—1 Corinto 3:14, 15.

      14. (a) Paano maaaring “daranas ng kawalan” ang mga Kristiyanong gumagawa ng alagad, subalit paano nila matatamo ang kaligtasan na gaya sa pamamagitan ng apoy? (b) Paano natin mababawasan ang panganib na dumanas ng kawalan?

      14 Tunay na seryosong mga pananalita! Napakasakit ang magpagal upang tulungan ang isa na maging isang alagad, upang pagkatapos ay makita lamang na nagpadaig ang taong iyon sa tukso o pag-uusig at sa dakong huli ay nilisan ang daan ng katotohanan. Ganiyang-ganiyan ang inamin ni Pablo nang sabihin niyang daranas tayo ng kawalan sa gayong mga kalagayan. Napakasakit na karanasan anupat ang ating kaligtasan ay inilarawan na “sa pamamagitan ng apoy”​—gaya ng isang tao na nawalan ng lahat dahil sa sunog at muntik nang hindi masagip. Sa bahagi naman natin, paano natin mababawasan ang panganib na dumanas ng kawalan? Magtayo sa pamamagitan ng matitibay na materyales! Kung tinuturuan natin ang ating mga estudyante upang maabot ang kanilang puso, anupat pinakikilos sila na pahalagahan ang mahahalagang katangiang Kristiyano gaya ng karunungan, kaunawaan, pagkatakot kay Jehova, at tunay na pananampalataya, kung gayo’y nagtatayo tayo sa pamamagitan ng mga materyales na matibay at di-tinatablan ng apoy. (Awit 19:9, 10; Kawikaan 3:13-​15; 1 Pedro 1:6, 7) Yaong mga nakapaglilinang ng ganitong mga katangian ay magpapatuloy na gawin ang kalooban ng Diyos; tiyak ang kanilang pag-asa na manatiling buháy magpakailanman. (1 Juan 2:17) Paano, kung gayon, praktikal na magagamit natin ang ilustrasyon ni Pablo? Tingnan ang ilang halimbawa.

  • Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?
    Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
    • Sino ang May Pananagutan?

      18. Kapag tinanggihan ng isang alagad ang nakapagpapalusog na turo, bakit hindi naman nangangahulugan na kasalanan iyon ng mga nagsikap na turuan at sanayin siya?

      18 Ang pagtalakay na ito ay nagbabangon ng isang mahalagang tanong. Kung lumayo sa katotohanan ang isa na sinisikap nating tulungan, nangangahulugan ba iyan na bigo tayo bilang mga guro​—na tiyak na tayo’y nagtayo sa pamamagitan ng marurupok na materyales? Hindi naman. Tiyak na ipinaaalaala sa atin ng mga salita ni Pablo na isang malaking pananagutan ang makibahagi sa pagtatayo ng mga alagad. Ibig nating gawin ang buong makakaya natin upang makapagtayong mabuti. Ngunit hindi sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na balikatin nating mag-isa ang buong pananagutan at sisihin ang ating sarili kapag tumalikod sa katotohanan yaong sinisikap nating tulungan. May iba pang salik na nasasangkot bukod sa ating sariling papel bilang mga tagapagtayo. Halimbawa, pansinin ang sinabi ni Pablo hinggil sa guro na naging mahina sa ganitong gawaing pagtatayo: “Daranas siya ng kawalan, ngunit siya mismo ay maliligtas.” (1 Corinto 3:15) Kung sa dakong huli ay maligtas ang taong ito​—bagaman ang Kristiyanong personalidad na sinisikap niyang linangin sa kaniyang estudyante ay inilarawan na ‘nasunog’ sa isang maapoy na pagsubok​—ano ang dapat nating isipin? Tiyak, na itinuturing ni Jehova na ang estudyante ang may pangunahing pananagutan sa kaniyang mga pasiya kung siya baga ay susunod sa isang tapat na landasin o hindi.

  • Makatatagal Ba sa Apoy ang Iyong Gawa?
    Ang Bantayan—1998 | Nobyembre 1
    • c Pinag-aalinlanganan ni Pablo ang kaligtasan, hindi ng tagapagtayo, kundi ng “gawa” ng tagapagtayo. Ganito ang pagkasalin ng The New English Bible sa talatang ito: “Kung makatagal ang gusali ng isang tao, siya’y gagantimpalaan; kung masunog ito, kailangang pasanin niya ang kawalan; at gayunma’y makaliligtas siya, gaya ng maaaring mangyari sa isa mula sa apoy.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share