Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 7. Mas nakakahigit ang mga batas ng Kaharian ng Diyos

      Gumagawa ng batas ang mga gobyerno para makinabang at maprotektahan ang mga mamamayan nito. Mayroon ding mga batas ang Kaharian ng Diyos na dapat sundin ng mga mamamayan nito. Basahin ang 1 Corinto 6:​9-11. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano sa tingin mo ang mangyayari sa mundo kung susundin ng lahat ng tao ang mga utos at prinsipyo ng Diyos?a

      • Sa tingin mo, dapat lang bang asahan ni Jehova na susundin ng mga mamamayan ng Kaharian ang mga utos niya? Bakit?

      • Ano ang nagpapakita na puwedeng magbago ang mga dating hindi sumusunod sa mga utos na ito ng Diyos?​—Tingnan ang talata 11.

      Pulis na nagpapahinto sa mga sasakyan sa isang intersection. Mga taong iba’t iba ang edad habang tumatawid sa kalsada.

      Kung napoprotektahan at nakikinabang ang mga mamamayan sa mga batas ng gobyerno ng tao, lalo na sa Kaharian ng Diyos na may mga batas na nakakahigit sa mga batas ng gobyerno ng tao

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Sex?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Alam ni Jehova ang pinakamaganda para sa atin. Sinasabi niya ang mga dapat nating gawin para manatili tayong malinis sa moral pati na ang mga pakinabang nito. Basahin ang Kawikaan 7:​7-27 o panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Kapag Nagkulang sa Unawa (9:​32)

      • Paano pumasok sa isang nakakatuksong sitwasyon ang isang kabataang lalaki?​—Tingnan ang Kawikaan 7:​8, 9.

      • Ayon sa Kawikaan 7:​23, 26, ang seksuwal na imoralidad ay nagiging dahilan ng malalaking problema. Kung mananatili tayong malinis sa moral, anong mga problema ang maiiwasan natin?

      • Paano tayo matutulungan ng pagiging malinis sa moral na mabuhay magpakailanman?

      Iniisip ng ilang tao na ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad ay hindi pagpapakita ng pag-ibig. Pero si Jehova ay Diyos ng pag-ibig, at gusto niya na mabuhay tayong lahat magpakailanman. Para mangyari iyan, kailangan nating sundin ang mga pamantayan niya. Basahin ang 1 Corinto 6:​9-11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ang homoseksuwal na pagnanasa lang ba ang mali sa pananaw ng Diyos?

      Para mapasaya ang Diyos, kailangan nating gumawa ng mga pagbabago. Sulit ba ito? Basahin ang Awit 19:​8, 11. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Sa tingin mo, makatuwiran ba ang mga pamantayan ni Jehova sa moral? Bakit?

      Mga larawan: 1. Babaeng hindi masaya kasama ng boyfriend niya. Nakikipag-inuman siya at naninigarilyo kasama ng mga kaibigan niya sa isang bar. 2. Ang babae ring iyon na masayang nakikipag-usap sa mga sister sa Kingdom Hall.

      Tinulungan ni Jehova ang maraming tao na magbago at sundin ang mga pamantayan niya sa moral. Matutulungan ka rin niya

  • Ano ang Dapat na Maging Pananaw ng mga Kristiyano sa Alak?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 6. Ang puwedeng gawin para maihinto ang sobrang pag-inom ng alak

      Tingnan kung paano naihinto ng isang lalaki ang paglalasing. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: ‘Sawang-sawa Na Ako sa Buhay Ko’ (6:​32)

      Mga larawan: Mga eksena mula sa video na ‘Sawang-sawa Na Ako sa Buhay Ko.’ 1. Si Dmitry habang nakatingin sa bote ng alak. 2. Si Dmitry at ang pamilya niya habang nag-aaral ng Bibliya.
      • Ano ang epekto ng paglalasing sa buhay ni Dmitry?

      • Naihinto ba niya ito agad?

      • Ano ang nakatulong sa kaniya na magbagong-buhay?

      Basahin ang 1 Corinto 6:​10, 11. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paglalasing?

      • Ano ang nagpapakita na puwedeng magbago ang isang lasenggo?

      Basahin ang Mateo 5:30. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ang pagputol sa kamay ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo para mapasaya si Jehova. Ano ang puwede mong gawin kung nahihirapan kang ihinto ang paglalasing?a

      Basahin ang 1 Corinto 15:33. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano puwedeng makaimpluwensiya ang mga kaibigan mo sa pag-inom mo ng alak?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share