Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Kabataan, Piliin Ninyong Paglingkuran si Jehova
    Ang Bantayan—2006 | Hulyo 1
    • Walang Awtomatikong Nakaalay sa Ngayon

      3, 4. Ano ang makatutulong sa mga anak ng nakaalay na mga magulang na kusang mag-alay?

      3 Ipinakikita ng Bibliya na itinuturing ng Diyos na banal ang mga bata kahit na isa lamang sa kanilang mga magulang ang tapat na Kristiyano. (1 Corinto 7:14) Nagiging nakaalay bang lingkod ni Jehova ang gayong mga bata dahil dito? Hindi. Gayunman, ang mga batang pinalaki ng mga magulang na nakaalay kay Jehova ay tumatanggap ng pagsasanay na maaaring umakay sa mga anak na iyon na kusang mag-alay kay Jehova. Sumulat ang matalinong haring si Solomon: “O anak ko, tuparin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina. . . . Kapag lumalakad ka ay papatnubayan ka nito; kapag nakahiga ka ay babantayan ka nito; at kapag nagising ka na ay aalagaan ka nito. Sapagkat ang utos ay isang lampara, at ang kautusan ay liwanag, at ang mga saway ng disiplina ang siyang daan ng buhay.”​—Kawikaan 6:20-23.

  • Mga Kabataan, Piliin Ninyong Paglingkuran si Jehova
    Ang Bantayan—2006 | Hulyo 1
    • Pagtanggap sa Inyong Pananagutan

      12. (a) Bagaman maaaring sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak, ano ang hindi nila magagawa para sa mga ito? (b) Kailan mananagot kay Jehova ang isang kabataan sa mga pasiyang ginagawa niya?

      12 Darating ang panahon na kayong mga kabataan ay wala na sa ilalim ng proteksiyon ng katapatan ng inyong mga magulang. (1 Corinto 7:14) Sumulat ang alagad na si Santiago: “Kung nalalaman ng isa kung paano gagawin ang tama at gayunma’y hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.” (Santiago 4:17) Hindi maaaring maglingkod sa Diyos ang mga magulang para sa kanilang mga anak kung paanong hindi rin naman maaaring maglingkod sa Diyos ang mga anak para sa kanilang mga magulang. (Ezekiel 18:20) Natutuhan mo na ba ang hinggil kay Jehova at sa kaniyang mga layunin? Nasa edad ka na ba upang maunawaan ang iyong natutuhan at magkaroon ng personal na kaugnayan sa kaniya? Kung gayon, hindi ba makatuwirang isipin na ituring ka ng Diyos bilang indibiduwal na may kakayahang magpasiya na paglingkuran siya?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share