Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Tumakas Mula sa Pakikiapid’
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • 3. Sa anong paraan nagtagumpay ang pakana ni Balaam?

      3 Nagtagumpay ba ang pakana niya? Sa paanuman, nagtagumpay ito. Libu-libong lalaking Israelita ang kumagat sa pain nang sila ay ‘imoral na makipagtalik sa mga anak na babae ng Moab.’ Sumamba pa nga sila sa mga diyos ng Moab, pati na sa kasuklam-suklam na si Baal ng Peor, ang diyos ng pag-aanak, o sekso. Bilang resulta, 24,000 Israelita ang namatay malapit sa hangganan ng Lupang Pangako. Napakasaklap ng nangyari sa kanila!​—Bilang 25:1-9.

  • ‘Tumakas Mula sa Pakikiapid’
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • 4. Bakit libu-libong Israelita ang nahulog sa bitag ng imoralidad?

      4 Bakit dinanas ng Israel ang trahedyang ito? Marami sa kanila ang nagkaroon ng pusong balakyot sa pamamagitan ng paglayo kay Jehova, ang mismong Diyos na nagligtas sa kanila mula sa Ehipto, nagpakain sa kanila sa iláng, at nag-ingat sa kanila hanggang sa makarating sila malapit sa hangganan ng lupang pangako. (Hebreo 3:12) Ganito ang isinulat ni apostol Pablo hinggil dito: “Ni mamihasa man tayo sa pakikiapid, kung paanong ang ilan sa kanila ay nakiapid, upang mabuwal lamang, dalawampu’t tatlong libo sa kanila sa isang araw.”a​—1 Corinto 10:8.

  • ‘Tumakas Mula sa Pakikiapid’
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • a Lumilitaw na kasama sa bilang ng mga namatay na binanggit sa aklat ng Mga Bilang ang mga tuwirang pinatay ni Jehova at ang mga “pangulo ng bayan” na pinatay ng mga hukom. Malamang na ang mga pangulong ito ay umaabot sa 1,000 lalaki.​—Bilang 25:4, 5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share