Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Talukbong sa Ulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bukod sa pagiging bahagi ng pananamit, ang talukbong sa ulo ay may espirituwal na kahulugan para sa mga lingkod ng Diyos kung tungkol sa pagkaulo at pagpapasakop. Inilahad ng apostol na si Pablo ang simulain ng itinalaga-ng-Diyos na pagkaulo na sinusunod sa kongregasyong Kristiyano, sa pagsasabing: “Ang ulo ng bawat lalaki ay ang Kristo; ang ulo naman ng babae ay ang lalaki; ang ulo naman ng Kristo ay ang Diyos.” (1Co 11:3) Itinawag-pansin ni Pablo na ang talukbong sa ulo ay isang “tanda ng awtoridad” na dapat ilagay ng babae sa kaniyang sarili bilang pagkilala sa pagkaulo ng lalaki, anupat nagpapasakop sa wastong teokratikong awtoridad, kapag siya’y nananalangin o nanghuhula sa kongregasyon.​—1Co 11:4-6, 10.

  • Talukbong sa Ulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bilang isang mapuwersang dahilan kung bakit dapat sundin ng kongregasyon ng Diyos ang kaayusang ito, tinukoy ng apostol ang mga anghel ng Diyos, na “isinugo upang maglingkod doon sa mga magmamana ng kaligtasan.” (Heb 1:13, 14) Ang makapangyarihang mga espiritung personang ito ay interesado sa mga Kristiyano at ikinababahala nila ang pag-iingat ng mga Kristiyano ng kanilang mga dako sa loob ng kaayusan ng Diyos upang mapanatili ang teokratikong kaayusan at dalisay na pagsamba sa harap ng Diyos.​—1Co 11:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share