Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Bakit ang Hapunan ng Panginoon ay May Kahulugan Para sa Iyo
    Ang Bantayan—1993 | Marso 15
    • Nagbibigay liwanag sa pag-alaala ng kamatayan ni Kristo ay ang mga pananalita ni apostol Pablo: “Aking tinanggap sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo, na ang Panginoong Jesus nang gabing siya’y ipagkakanulo ay dumampot ng tinapay at, pagkatapos magpasalamat, kaniyang pinagputul-putol iyon at sinabi: ‘Ito’y nangangahulugan ng aking katawan alang-alang sa inyo. Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.’ At gayundin ang ginawa niya sa kopa, pagkatapos na makapaghapunan, na ang sabi: ‘Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan dahil sa bisa ng aking dugo. Patuloy na gawin ninyo ito, kasindalas ng pag-inom ninyo nito, bilang pag-alaala sa akin.’ Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, patuloy na inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.”​—1 Corinto 11:23-26.

  • Kung Bakit ang Hapunan ng Panginoon ay May Kahulugan Para sa Iyo
    Ang Bantayan—1993 | Marso 15
    • Gaano Kadalas Gaganapin Ito?

      Ano ba ang ibig sabihin ng mga salita ni Pablo na: “Tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, patuloy na inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya”? Ang tapat na pinahirang mga Kristiyano ay makikibahagi sa mga emblema ng Memoryal nang ‘kasindalas’ hanggang sa sila’y mamatay, sa bandang huli ay bubuhaying-muli sa makalangit na buhay. Sa harap ng Diyos at ng sanlibutan, sa ganoo’y madalas na ihahayag nila ang kanilang pananampalataya sa paglalaan ni Jehova na hain ni Jesus. Hanggang kailan? “Hanggang sa dumating siya,” sabi ni Pablo, maliwanag na nangangahulugang ang mga pagdiriwang na ito ay magpapatuloy hanggang sa pagdating ni Jesus upang tanggapin sa langit ang kaniyang pinahirang mga tagasunod sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli sa panahon ng kaniyang “pagkanaririto.” (1 Tesalonica 4:14-17) Ito ay kasuwato ng mga salita ni Kristo sa 11 tapat na apostol: “Kung ako’y pumaroon at maipaghanda ko na kayo ng dako, ako’y muling paririto at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon kayo man ay dumuon din.”​—Juan 14:3.

      Ang kamatayan ba ni Kristo ay dapat alalahanin sa araw-araw o kaypala sa linggu-linggo? Bueno, si Jesus ang nagtatag ng Hapunan ng Panginoon at pinatay noong Paskuwa, na nagsilbing alaala ng pagkapalaya ng Israel buhat sa pagkaalipin sa Ehipto. Sa katunayan, siya’y tinatawag na “si Kristo na ating paskuwa” sapagkat siya ang Korderong inihain para sa mga Kristiyano. (1 Corinto 5:7) Ang Paskuwa ay ginaganap nang minsan lamang sa isang taon, sa Nisan 14. (Exodo 12:6, 14; Levitico 23:5) Ipinahihiwatig nito na ang kamatayan ni Jesus ay dapat na alalahanin lamang na kasindalas ng Paskuwa​—sa taun-taon, hindi sa araw-araw o linggu-linggo.

      Sa loob ng ilang dantaon inaalaala ng maraming nag-aangking Kristiyano ang kamatayan ni Jesus minsan isang taon. Dahilan sa ginagawa nila ito kung Nisan 14, sila’y tinawag na mga Quartodeciman, na ang ibig sabihin ay mga “maglalabing-apat.” Tungkol sa kanila, ang historyador na si J. L. von Mosheim ay sumulat: “Ang mga Kristiyano ng Asia Minor ay nahirating ipagdiwang ang banal na kapistahang ito, na pag-alaala sa pagkatatag ng Hapunan ng Panginoon, at ng kamatayan ni Jesu-Kristo, sa kaparehong panahon na kinain ng mga Judio ang kanilang kordero ng Paskuwa, samakatuwid nga sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng [Nisan]. . . . Kanilang nadama na obligado silang sumunod sa halimbawa ni Kristo gaya ng pagsunod nila sa isang batas.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share