Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Damtan ang Inyong Sarili ng Mahabang Pagtitiis’
    Ang Bantayan—2001 | Nobyembre 1
    • “Ang Pag-ibig ay May Mahabang Pagtitiis”

      9. Ano ang posibleng dahilan kung bakit sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na “ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis”?

      9 Ipinakita ni Pablo na umiiral ang isang pantanging kaugnayan sa pagitan ng pag-ibig at ng mahabang pagtitiis nang kaniyang sabihin: “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis.” (1 Corinto 13:4) Sinasabi ng isang iskolar sa Bibliya, si Albert Barnes, na idiniin ito ni Pablo dahil sa pagtatalo at hidwaan na umiiral noon sa kongregasyong Kristiyano sa Corinto. (1 Corinto 1:11, 12) Ipinaliwanag ni Barnes: “Ang salita na ginamit dito [para sa mahabang pagtitiis] ay kabaligtaran ng pagmamadali: ng nagngangalit na mga kapahayagan at kaisipan, at ng pagiging madaling mayamot. Nagpapahiwatig ito ng kalagayan ng isip na maaaring MAGTIIS NANG MATAGAL kapag sinisiil at pinupukaw sa galit.” Ang pag-ibig at mahabang pagtitiis ay nakadaragdag pa rin nang malaki sa kapayapaan ng kongregasyong Kristiyano.

      10. (a) Sa anong paraan tayo tinutulungan ng pag-ibig na magpamalas ng mahabang pagtitiis, at anong payo ang ibinibigay ni apostol Pablo hinggil dito? (b) Ano ang komento ng isang iskolar sa Bibliya hinggil sa mahabang pagtitiis at kabaitan ng Diyos? (Tingnan ang talababa.)

      10 “Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait. Ang pag-ibig ay . . . hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan, hindi napupukaw sa galit.” Samakatuwid, sa maraming paraan, tinutulungan tayo ng pag-ibig na magpamalas ng mahabang pagtitiis.a (1 Corinto 13:4, 5) Pinangyayari ng pag-ibig na matiyaga nating pagtiisan ang isa’t isa at alalahanin na tayong lahat ay di-sakdal at may mga pagkakamali at pagkukulang. Tinutulungan tayo nito na maging makonsiderasyon at mapagpatawad. Pinasisigla tayo ni apostol Pablo na lumakad nang “may buong kababaan ng pag-iisip at kahinahunan, na may mahabang pagtitiis, na pinagtitiisan ang isa’t isa sa pag-ibig, na marubdob na pinagsisikapang ingatan ang pagkakaisa ng espiritu sa nagbubuklod na bigkis ng kapayapaan.”​—Efeso 4:1-3.

  • ‘Damtan ang Inyong Sarili ng Mahabang Pagtitiis’
    Ang Bantayan—2001 | Nobyembre 1
    • a Sa pagkokomento sa pananalita ni Pablo na “ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait,” ganito ang isinulat ng iskolar sa Bibliya na si Gordon D. Fee: “Sa teolohiyang Pauline, ang mga ito [mahabang pagtitiis at kabaitan] ay kumakatawan sa dalawang panig ng saloobin ng Diyos para sa sangkatauhan (cf. Roma 2:4). Sa isang panig, ang maibiging pagtitimpi ng Diyos ay ipinamamalas sa pamamagitan ng pagpigil niya sa kaniyang galit sa paghihimagsik ng tao; sa kabilang panig, masusumpungan ang kaniyang kabaitan sa libu-libong kapahayagan ng kaniyang awa. Kaya ang paglalarawan ni Pablo sa pag-ibig ay nagsisimula sa dalawang paglalarawang ito sa Diyos, na sa pamamagitan ni Kristo ay ipinamalas ang kaniyang sarili na mapagtimpi at mabait sa mga karapat-dapat sa matinding paghatol ng Diyos.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share