Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-ibig (Agape)—Ang Hindi Kahulugan at ang Kahulugan Nito
    Ang Bantayan—1993 | Oktubre 15
    • 5. Ano ba ang kahulugan ng “paninibugho,” at papaano ito ginamit sa isang positibong diwa sa Kasulatan?

      5 Ang unang bagay na sinasabi ni Pablo na hindi kahulugan ng pag-ibig ay na ito “ay hindi naninibugho.” Iyan ay nangangailangan ng kaunting paliwanag sapagkat may positibo at negatibong katangian ang paninibugho. Sa isang diksiyunaryo, ang kahulugan ng “naninibugho” ay “ayaw na may karibal” at “humihingi ng bukod-tanging debosyon.” Kaya, sinabi ni Moises sa Exodo 34:14: “Huwag kang magpapatirapa sa ibang diyos, dahil si Jehova, na Mapanibughuin ang pangalan, ay isang mapanibughuing Diyos.” Sa Exodo 20:5, sinasabi ni Jehova: “Akong si Jehova na iyong Diyos ay isang Diyos na humihingi ng bukod-tanging debosyon.” Nahahawig dito ang isinulat ni apostol Pablo: “Ako’y naninibugho tungkol sa inyo ng paninibughong ukol sa Diyos.”​—2 Corinto 11:2.

      6. Anong mga halimbawa sa Kasulatan ang nagpapakita kung bakit ang pag-ibig ay hindi naninibugho?

      6 Gayunman, karaniwan nang ang “paninibugho” ay may masamang kahulugan, kaya ito binanggit sa Galacia 5:20 na kasama ng mga gawa ng laman. Oo, ang gayong paninibugho ay mapag-imbot at pinagmumulan ng pagkapoot, at ang pagkapoot ang kabaligtaran ng pag-ibig. Dahilan sa paninibugho si Cain ay napoot kay Abel hanggang sa sukdulang siya’y patayin, at ito rin ang nag-udyok sa sampung kapatid ni Jose sa ama na mapoot sa kaniya hanggang sa sukdulang pagnanais na patayin siya. Ang pag-ibig ay hindi naninibugho hanggang sa pagkainggit sa iba sa kanilang mga ari-arian o mga bentaha, gaya ng may paninibughong pagkainggit ni Haring Ahab kay Naboth dahilan sa kaniyang ubasan.​—1 Hari 21:1-19.

      7. (a) Anong pangyayari ang nagpapakita na si Jehova ay hindi nalulugod sa pagyayabang? (b) Bakit ang pag-ibig ay hindi nagyayabang nang hindi na iniisip?

      7 Sumunod ay sinasabi sa atin ni Pablo na ang pag-ibig ay “hindi nagyayabang.” Ang pagyayabang ay nagpapakita ng kawalan ng pag-ibig, sapagkat pinangyayari nito na itaas ng isa ang kaniyang sarili nang higit sa iba. Si Jehova ay hindi nalulugod sa mga mayayabang, gaya ng pinatutunayan nang kaniyang ibaba si Haring Nabucodonosor nang ito’y magyabang. (Daniel 4:30-35) Ang pagyayabang ay kadalasang ginagawa nang hindi na iniisip dahilan sa labis na paghanga ng isa sa kaniyang mga tagumpay o ari-arian. Ang ilan ay baka may hilig na ipagyabang ang kanilang tagumpay sa ministeryong Kristiyano. Ang iba naman ay nakakatulad ng isang matanda (elder) na naakit ang kalooban na tumilepono sa kaniyang mga kaibigan upang balitaan sila na siya’y nakabili ng isang bagong kotse na nagkakahalaga ng halos $50,000. Lahat ng iyan ay nagpapakita ng kawalan ng pag-ibig sapagkat ipinakikita na ang nagyayabang ay mas magaling sa kaniyang mga tagapakinig.

      8. (a) Ano ang saloobin ni Jehova tungkol sa mga mapagpalalo? (b) Bakit ang pag-ibig ay hindi nag-uugaling ganiyan?

      8 Pagkatapos ay sinasabi sa atin na ang pag-ibig ay “hindi nagpapalalo.” Ang isang palalo, o mapagmataas, ay nagpapakita ng kawalang-pag-ibig sa pagtataas ng kaniyang sarili nang higit sa iba. Ang ganiyang kaisipan ay sukdulang kamangmangan sapagkat “ang Diyos ay sumasalansang sa mga mapagmataas, ngunit siya’y nagbibigay ng di-sana-nararapat na awa sa mga mapagpakumbaba.” (Santiago 4:6) Ang pag-ibig ay mismong kabaligtaran; itinuturing nito na ang iba ay lalong mabuti. Isinulat ni Pablo sa Filipos 2:2, 3: “Lubusin ninyo ang aking kagalakan sa bagay na kayo’y nagkakaisang-isip at may iisang pag-ibig, yamang nagkakaisa ng kaluluwa, na may iisang kaisipan, na hindi ginagawa ang anuman nang may pagkakampi-kampi o dahil sa pag-ibig sa sarili, kundi nang may kababaang-loob na itinuturing na ang iba’y nakahihigit sa inyo.” Dahil sa gayong kaisipan ang iba ay nagiginhawahan, samantalang ang taong mapagmataas na palakontra ay nagiging dahilan upang ang iba ay mabalisa.

  • Pag-ibig (Agape)—Ang Hindi Kahulugan at ang Kahulugan Nito
    Ang Bantayan—1993 | Oktubre 15
    • [Kahon sa pahina 21]

      PAG-IBIG (AGAPE) Ang Hindi Kahulugan Nito Ang Kahulugan Nito

      1. Naninibugho 1.Matiyagang nagbabatá

      2. Nagyayabang 2.Mabait

      3. Nagpapalalo 3.Nakikigalak sa katotohanan

      4. Nag-uugaling mahalay 4.Lahat ay binabatá

      5. Hinahanap ang kaniyang sariling kapakanan 5.Lahat ay pinaniniwalaan

      6. Nayayamot 6.Lahat ay inaasahan

      7. Inaalumana ang masama 7.Lahat ay tinitiis

      8. Nagagalak sa kalikuan

      9. Nagkukulang

      [Mga larawan sa pahina 18]

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share