Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananalangin sa Harap ng Iba Taglay ang Mapagpakumbabang Puso
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 15
    • Binanggit ni Pablo ang isa pang mahalagang simulain ng kaniyang isulat: “Kung ako’y nananalangin sa isang wika, ang kaloob sa akin na espiritu ang nananalangin, datapuwat ang aking pag-iisip ay walang bunga. . . . Kapag naghandog ka ng papuri taglay ang kaloob na espiritu, paanong ang taong nasa karaniwang upuan ay makapagsasabi ng ‘Amen’ sa iyong pagpapasalamat, yamang hindi niya nalalaman ang iyong sinasabi?” (1 Corinto 14:14-16) Noong kaarawan ni Pablo, may mga Kristiyanong tumanggap ng kahima-himalang kaloob na mga wika, at marahil ang iba sa kanila ay nanalangin sa harap ng kongregasyon sa pamamagitan ng mga wikang ito. Ngunit gaya ng ipinakita ni Pablo, hindi naunawaan iyon ng mga nasa kongregasyon.

      Sa ngayon, wala tayo ng gayong kahima-himalang kaloob. Subalit ang mga Kristiyano na nananalangin alang-alang sa iba ay dapat na manalangin sa paraan na mauunawaan. Halimbawa, sa pasimula ng isang pahayag pangmadla inaanyayahan natin ang mga nakikinig na sumama sa atin sa pananalangin. Sa gayong panalangin, makatuwiran na iwasan ang talasalitaan o paksa na hindi nauunawaan ng mga nakikinig na panauhin.

  • Pananalangin sa Harap ng Iba Taglay ang Mapagpakumbabang Puso
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 15
    • [Kahon sa pahina 22]

      Angkop ba sa mga tagapakinig na magsabi ng “Amen” sa katapusan ng isang pangmadlang panalangin?

      Oo, kung ibig nila o nadarama nilang dapat nilang gawin iyon. Binanggit ni Pablo ang “Amen” na sinabi ng mga nakikinig sa isang panalangin, bagamat hindi niya tiyakang sinabi kung ito’y binigkas na naririnig o sa tahimik na paraan, sa kanilang mga puso. (1 Corinto 14:16) Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, nagkaroon ng okasyon nang ang mga Israelita ay tahasang sinabihan na magsabi ng “Amen!” nang malakas. (Deuteronomio 27:14-26) Samakatuwid, pagka ipinahiwatig ng taong nananalangin na tapos na ang kaniyang panalangin at siya’y nagsasabi ng “Amen,” angkop naman para sa mga nakikinig na magsabi ng “Amen” sa kanilang mga puso o bigkasin iyon sa marahang tinig. Dapat na sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak na magpakita ng wastong pagpapahalaga pagka sila’y nagsasabi ng marahang “Amen.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share