Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • 14, 15. Bukod sa pinahirang mga Kristiyano, anong uri ng mga tao ang dumalo sa mga pulong sa Corinto, at paano posibleng sila’y nagkakaiba iba kung tungkol sa espirituwal na pagsulong?

      14 Na ang mga Kristiyano’y naging mapagparaya sa pakikitungo sa mga taong natututo noon tungkol sa Diyos ay maliwanag buhat sa mga komento ni Pablo tungkol sa mga pulong sa Corinto. Sa pagtalakay tungkol sa paggamit ng kahima-himalang mga kaloob ng espiritu na noong una’y pinaka-tatak ng Kristiyanismo bilang may pagpapala ng Diyos, binanggit ni Pablo ang “mga nagsisisampalataya” at ang “mga di-nagsisisampalataya.” (1 Corinto 14:22) Ang “mga nagsisisampalataya” ay yaong nagsitanggap kay Kristo at nabautismuhan. (Gawa 8:13; 16:31-34) “Marami sa mga taga-Corinto na nakapakinig ay nagsimulang sumampalataya at napabautismo.”​—Gawa 18:8.

      15 Sang-ayon sa 1 Corinto 14:24, ang ‘mga di-sumasampalataya o ordinaryong mga tao’ ay nagpupunta rin sa mga pulong sa Corinto at tinatanggap naman doon.c Malamang, sila’y nagkakaiba-iba kung tungkol sa kanilang pagsulong sa pag-aaral at pagkakapit ng Salita ng Diyos. Marahil ang ilan ay nagkakasala pa rin noon. Ang iba naman ay baka mayroon nang sapat na pananampalataya, nakagawa na ng ilang pagbabago sa kanilang buhay, at, kahit na bago pabautismo, ay nagsimula nang magbalita sa iba ng kanilang natutuhan.

      16. Paanong ang gayong mga tao’y nakikinabang sa pakikisama sa mga Kristiyano sa mga pulong sa kongregasyon?

      16 Mangyari pa, wala sa gayong mga di-bautismado ang “nasa Panginoon.” (1 Corinto 7:39) Kung sa kanilang nakaraang pamumuhay ay nasangkot sila sa malulubhang moral at espirituwal na mga pagkakasala, mauunawaan na kailangan ang panahon upang sila’y mapaayon sa mga pamantayan ng Diyos. Samantala, habang hindi nila kusang sinisikap na sirain ang pananampalataya at ang kalinisan ng kongregasyon, sila’y tinatanggap. Ang kanilang nakita at narinig sa mga pulong ay maaaring ‘sumaway sa kanila’ habang ang “mga lihim ng kanilang mga puso ay napapalantad.’​—1 Corinto 14:23-25; 2 Corinto 6:14.

  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • c “Ang ἄπιστος (apistos, ‘di-sumasampalataya’) at ιδιώτης (idiōtēs, ‘isang walang unawa,’ ang ‘nag-uusisa’) ay kapuwa nasa uring di-sumasampalataya bilang may pagkakaiba sa ligtas na nasa iglesiyang Kristiyano.”​—The Expositor’s Bible Commentary, Tomo 10, pahina 275.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share