-
Matuto sa Nakababatang Kapatid ni JesusAng Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Enero
-
-
MANATILING MAPAGPAKUMBABA GAYA NI SANTIAGO
Nagpakumbaba si Santiago nang magpakita sa kaniya si Jesus at mula noon, naging tapat na alagad siya ni Kristo (Tingnan ang parapo 5-7)
5. Paano tumugon si Santiago nang magpakita sa kaniya ang binuhay-muling si Jesus?
5 Kailan naging tapat na tagasunod ni Jesus si Santiago? Nang buhaying muli si Jesus, “nagpakita . . . siya kay Santiago, at pagkatapos ay sa lahat ng apostol.” (1 Cor. 15:7) Noon nagsimulang magbago ang buhay ni Santiago. Naroon siya noong hinihintay ng mga apostol ang ipinangakong banal na espiritu sa isang silid sa itaas sa Jerusalem. (Gawa 1:13, 14) Nang maglaon, naglingkod din si Santiago bilang miyembro ng lupong tagapamahala noong unang siglo. (Gawa 15:6, 13-22; Gal. 2:9) At bago ang taóng 62 C.E., ginabayan siya ng banal na espiritu para sumulat sa pinahirang mga Kristiyano. Makikinabang tayo sa liham na iyon, sa langit man o sa lupa ang pag-asa natin. (Sant. 1:1) Ayon sa unang-siglong istoryador na si Josephus, si Santiago ay ipinapatay ng Judiong Mataas na Saserdoteng si Ananias na Nakababata. Nanatiling tapat si Santiago kay Jehova hanggang noong mamatay siya.
-