Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Santiago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Gayunman, pagkamatay ni Jesus at bago ang Pentecostes 33 C.E., si Santiago kasama ang kaniyang ina, mga kapatid, at ang mga apostol ay nagkatipon para manalangin sa isang silid sa itaas sa Jerusalem. (Gaw 1:13, 14) Maliwanag na sa Santiago na ito personal na nagpakita ang binuhay-muling si Jesus, gaya ng iniulat sa 1 Corinto 15:7, anupat nakumbinsi itong dating di-sumasampalataya na Siya nga ang Mesiyas. Nagpapaalaala ito sa atin ng personal na pagpapakita ni Jesus kay Pablo.​—Gaw 9:3-5.

  • Santiago, Liham ni
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa halip, ipinakikita ng katibayan na ang manunulat ay si Santiago na kapatid sa ina ni Jesu-Kristo, na maliwanag na pinagpakitaan ng binuhay-muling si Kristo sa isang pantanging pagkakataon at prominente rin sa gitna ng mga alagad. (Mat 13:55; Gaw 21:15-25; 1Co 15:7; Gal 2:9) Sa liham ni Santiago, tinukoy ng manunulat ang kaniyang sarili bilang “isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Kristo,” kagayang-kagaya rin ng ginawa ni Judas, na sa pambungad ng kaniyang liham ay nagpakilala bilang “isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit kapatid ni Santiago.” (San 1:1; Jud 1) Karagdagan pa, kalakip sa bating pambungad ng liham ni Santiago ang terminong “Mga pagbati!” na ginamit din sa liham may kinalaman sa pagtutuli na ipinadala sa mga kongregasyon. Sa huling nabanggit na kaso, lumilitaw na ang kapatid sa ina ni Jesus na si Santiago ang prominenteng tagapagsalita noon sa kapulungan ng ‘mga apostol at matatandang lalaki’ sa Jerusalem.​—Gaw 15:13, 22, 23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share