Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Taong Espirituwal?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Pebrero
    • ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGIGING TAONG ESPIRITUWAL?

      3. Paano ipinakikita ng Bibliya ang pagkakaiba ng taong pisikal at ng taong espirituwal?

      3 Tinutulungan tayo ni apostol Pablo na maunawaan kung ano ang isang taong espirituwal. Ipinakita niya ang pagkakaiba ng “taong espirituwal” sa isang “taong pisikal.” (Basahin ang 1 Corinto 2:14-16.) Ano iyon? Binanggit niya na “ang isang taong pisikal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya mapag-aalaman ang mga ito.” Sa kabaligtaran, “ang taong espirituwal ay talagang nagsusuri sa lahat ng bagay” at taglay niya ang “pag-iisip ni Kristo.” Pinasisigla tayo ni Pablo na maging taong espirituwal. Ano pa ang pagkakaiba ng taong pisikal at ng taong espirituwal?

  • Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Taong Espirituwal?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Pebrero
    • 6. Ano ang pagkakakilanlan ng isang taong espirituwal?

      6 Kaya ano ang ibig sabihin ng pagiging “taong espirituwal”? Ang taong espirituwal ay nakapokus sa kaugnayan niya sa Diyos, di-gaya ng taong pisikal. Ang mga palaisip sa espirituwal ay nagsisikap na ‘maging mga tagatulad sa Diyos.’ (Efe. 5:1) Kaya sinisikap nilang alamin ang kaisipan ni Jehova at tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang pananaw. Totoong-totoo ang Diyos sa kanila. Di-tulad ng mga may makalamang kaisipan, iniaayon nila ang kanilang pamumuhay sa mga pamantayan ni Jehova. (Awit 119:33; 143:10) Sa halip na magpokus sa mga gawa ng laman, sinisikap ipakita ng mga palaisip sa espirituwal ang “bunga ng espiritu.” (Gal. 5:22, 23) Para mas maintindihan natin ang ibig sabihin ng pagiging palaisip sa espirituwal, pag-isipan ang paghahambing na ito: Ang isang taong mahusay sa negosyo ay masasabing “business-minded.” Kaya naman, ang taong tunay na nagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay ay “spiritually-minded.”

      7. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga taong palaisip sa espirituwal?

      7 Maganda ang binabanggit ng Bibliya tungkol sa mga taong palaisip sa espirituwal. Sinasabi ng Mateo 5:3: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng langit ay sa kanila.” Sa Roma 8:6, mababasa natin ang kapakinabangan ng pagiging palaisip sa espirituwal: “Ang pagsasaisip ng laman ay nangangahulugan ng kamatayan, ngunit ang pagsasaisip ng espiritu ay nangangahulugan ng buhay at kapayapaan.” Kung magpopokus tayo sa espirituwal na mga bagay, magkakaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos at sa ating sarili. May pag-asa rin tayong mabuhay nang walang hanggan sa hinaharap.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share