-
Sigurado ang Pagkabuhay-Muli!Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
-
-
12. Ayon sa 1 Pedro 3:18, 22, bakit naiiba ang pagkabuhay-muli ni Jesus sa mga naunang pagkabuhay-muli?
12 Alam na alam ni Pablo na “binuhay-muli si Kristo.” Nakakahigit ang pagkabuhay-muling iyan sa mga naunang pagkabuhay-muli, dahil ang mga taong iyon ay namatay rin nang maglaon. Sinabi ni Pablo na si Jesus ang “unang bunga sa mga natulog sa kamatayan.” Bakit? Siya kasi ang unang taong binuhay-muli bilang espiritu at unang umakyat sa langit.—1 Cor. 15:20; Gawa 26:23; basahin ang 1 Pedro 3:18, 22.
-
-
Sigurado ang Pagkabuhay-Muli!Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
-
-
16. Bakit tinawag ni Pablo si Jesus na “unang bunga”?
16 Sinabi ni Pablo na si Kristo ay binuhay-muli bilang “unang bunga sa mga natulog sa kamatayan.” Tandaan na ang ibang binuhay-muli, gaya ni Lazaro, ay binuhay dito sa lupa, pero si Jesus ang kauna-unahang binuhay bilang espiritu at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Gaya siya ng mga unang bunga ng ani na inihahandog ng mga Israelita sa Diyos. Bukod diyan, nang tawagin ni Pablo si Jesus na “unang bunga,” ipinapahiwatig niya na mayroon pang ibang bubuhaying muli tungo sa langit. Ang mga apostol at ang iba pa na “kaisa ni Kristo” ay susunod kay Jesus. Sa takdang panahon, bubuhayin silang muli tungo sa langit gaya ni Jesus.
-