Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ako ay May Pag-asa sa Diyos”
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Disyembre
    • 15. Bakit tinawag si Jesus na “unang bunga”?

      15 Si Jesus ang unang binuhay-muli bilang espiritu sa langit at ang kaniyang pagkabuhay-muli ang pinakamahalaga. (Gawa 26:23) Pero hindi lang siya ang bubuhaying muli sa langit. Nangako si Jesus sa kaniyang tapat na mga apostol na mamamahala sila sa langit kasama niya. (Luc. 22:28-30) Para matanggap ang kanilang gantimpala, kailangan muna nilang mamatay. Pagkatapos, gaya ni Kristo, bubuhayin silang muli taglay ang katawang espiritu. Isinulat ni Pablo: “Si Kristo nga ay ibinangon mula sa mga patay, ang unang bunga niyaong mga natulog na sa kamatayan.” Binanggit din ni Pablo na may iba pang bubuhaying muli sa langit: “Bawat isa ay sa kani-kaniyang katayuan: si Kristo ang unang bunga, pagkatapos ay yaong mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.”—1 Cor. 15:20, 23.

      16. Anong ideya ang mayroon tayo kung kailan magaganap ang makalangit na pagkabuhay-muli?

      16 Binibigyan tayo nito ng ideya kung kailan magaganap ang makalangit na pagkabuhay-muli—“sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.” Matagal nang napatunayan ng mga Saksi ni Jehova na ayon sa Kasulatan, nabubuhay na tayo sa panahon ng “pagkanaririto” ni Jesus mula noong 1914. Nagpapatuloy ito, at napakalapit na ng wakas ng masamang sistemang ito.

      17, 18. Ano ang mangyayari sa ilang pinahiran sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo?

      17 May karagdagang detalye pa ang Bibliya tungkol sa makalangit na pagkabuhay-muli: “Hindi namin ibig na kayo ay walang-alam may kinalaman sa mga natutulog sa kamatayan . . . Sapagkat kung tayo ay nananampalataya na namatay si Jesus at muling bumangon, sa gayunding paraan, yaong mga natulog na sa kamatayan . . . ay dadalhin ng Diyos kasama niya . . . Tayong mga buháy na natitira hanggang sa pagkanaririto ng Panginoon ay hindi sa anumang paraan mauuna roon sa mga natulog na sa kamatayan; sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, . . . at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon. Pagkatapos tayong mga buháy na siyang natitira, kasama nila, ay aagawin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa gayon ay lagi na tayong makakasama ng Panginoon.”—1 Tes. 4:13-17.

      18 Ang unang pagkabuhay-muli ay magaganap ilang panahon pagkatapos magsimula ang “pagkanaririto” ni Kristo. Ang mga pinahirang buháy pa sa panahon ng malaking kapighatian ay “aagawin sa mga ulap.” (Mat. 24:31) Ang mga “aagawin” ay hindi na “matutulog sa kamatayan”; ibig sabihin, hindi sila mananatiling patay nang mahabang panahon. Silang “lahat ay babaguhin, sa isang iglap, sa isang kisap-mata, sa panahon ng huling trumpeta.”—1 Cor. 15:51, 52.

  • “Ako ay May Pag-asa sa Diyos”
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Disyembre
    • 20. Bakit tayo makatitiyak na magiging organisado ang pagkabuhay-muli?

      20 Sinasabi ng Bibliya na ang mga makararanas ng makalangit na pagkabuhay-muli ay ibabangon “sa kani-kaniyang katayuan.” (1 Cor. 15:23) Kung gayon, makatitiyak tayo na ang makalupang pagkabuhay-muli ay magaganap din sa maayos na paraan. Kaya baka maitanong natin: Ang mga namatay ba kamakailan ay bubuhayin sa pagsisimula ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo at sasalubungin ng mga mahal nila sa buhay? Mauuna bang buhaying muli ang mga sinaunang lalaking tapat na may kakayahang manguna para tumulong na organisahin ang bayan ng Diyos sa bagong sanlibutan? Kumusta naman ang mga namatay na hindi lingkod ni Jehova? Kailan at saan sila bubuhaying muli? Marami pa tayong maitatanong. Pero kailangan ba talaga nating pakaisipin ang mga tanong na ito? Hindi ba mas mabuting abangan na lang natin ang mangyayari? Kapana-panabik ngang makita kung ano ang gagawin ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share