-
“Ang Kamatayan ay Dadalhin sa Wala”Ang Bantayan—1998 | Hulyo 1
-
-
10 “Ang wakas” ay ang katapusan ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, na doo’y buong-pagpapakumbaba at buong-katapatang ibibigay ni Jesus ang Kaharian sa kaniyang Diyos at Ama. (Apocalipsis 20:4) Natupad na sa panahong iyon ang layunin ng Diyos na “muling tipunin ang lahat ng mga bagay kay Kristo.” (Efeso 1:9, 10) Subalit pupuksain muna ni Kristo “ang lahat ng pamahalaan at ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan” na salungat sa Soberanong kalooban ng Diyos. Higit pa ang nasasangkot dito kaysa sa pagkapuksa na isasagawa sa Armagedon. (Apocalipsis 16:16; 19:11-21) Sinabi ni Pablo: “Kailangang [si Kristo] ay mamahala bilang hari hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa. Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay dadalhin sa wala.” (1 Corinto 15:25, 26) Oo, lahat ng bakas ng Adanikong kasalanan at kamatayan ay papawiin na. Kailangan, kung gayon, na ubusin ng Diyos ang laman ng “mga alaalang libingan” sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa mga patay.—Juan 5:28.
-
-
“Ang Kamatayan ay Dadalhin sa Wala”Ang Bantayan—1998 | Hulyo 1
-
-
15. Ano ang ibig sabihin ng bagay na ang mga bumabalik ay ‘hahatulan ayon doon sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon’?
15 Paanong ang mga bumabalik na ito ay ‘hahatulan ayon doon sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon alinsunod sa kanilang mga gawa’? Ang mga balumbon na ito ay hindi rekord ng kanilang nakaraang mga gawa; nang mamatay sila, sila’y napawalang-sala na sa mga nagawa nila noong sila’y nabubuhay pa. (Roma 6:7, 23) Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Adanikong kasalanan ang mga taong binuhay na muli. Kung gayon, tiyak na isinasaad sa mga balumbon na ito ang mga tagubilin ng Diyos na dapat sundin ng lahat upang makinabang nang lubusan mula sa hain ni Jesu-Kristo. Habang ang huling bakas ng Adanikong kasalanan ay pinapawi, “ang kamatayan ay dadalhin sa wala” sa ganap na diwa. Pagsapit ng katapusan ng sanlibong taon, ang Diyos ay magiging “ang lahat ng bagay sa bawat isa.” (1 Corinto 15:28) Hindi na kakailanganin ng tao bilang tagapamagitan ang isang Mataas na Saserdote o Manunubos. Ang buong sangkatauhan ay naibalik na sa sakdal na kalagayang tinamasa ni Adan noong una.
-