Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Suliranin sa Teolohiya
    Ang Bantayan—1995 | Marso 1
    • Ganito ang sabi ng Catechism of the Catholic Church: “Upang bumangon kasama ni Kristo, kailangang mamatay tayo kasama ni Kristo: tayo’y kailangang ‘maging malayo sa katawan at manahang kasama ng Panginoon’. [2 Corinto 5:8] Sa ‘paglayong’ iyon na siyang kamatayan ang kaluluwa ay humihiwalay sa katawan. [Filipos 1:23]. Iyon ay magiging kaisang-muli ng katawan sa araw ng pagkabuhay-muli ng mga patay.” Ngunit sa mga tekstong sinipi rito, sinasabi ba ng apostol na nananatiling buháy ang kaluluwa pagkamatay ng katawan at pagkatapos ay naghihintay ng “Huling Paghuhukom” upang maging kaisang-muli ng katawan?

  • Isang Suliranin sa Teolohiya
    Ang Bantayan—1995 | Marso 1
    • Sa 2 Corinto 5:8, ganito ang sabi ni Pablo: “Kami ay may lakas ng loob at nalulugod na mainam na sa halip ay maging wala sa katawan at manahanang kasama ng Panginoon.” Naniniwala ang iba na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa isang pagitang kalagayan ng paghihintay. Binabanggit din nila ang pangako ni Jesus sa kaniyang tapat na mga tagasunod na maghahanda siya ng isang dako na doo’y ‘tatanggapin sila sa kaniyang sarili.’ Ngunit kailan matutupad ang mga pag-asang ito? Sinabi ni Kristo na iyon ay kapag siya’y ‘muling dumating’ sa kaniyang panghinaharap na pagkanaririto. (Juan 14:1-3) Gayundin, sa 2 Corinto 5:1-10, sinabi ni Pablo na ang pag-asa para sa lahat ng pinahirang Kristiyano ay ang magmana ng makalangit na tahanan. Ito’y makakamit, hindi sa pamamagitan ng ipinagpapalagay na pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa, kundi sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo. (1 Corinto 15:23, 42-44) Ang manunuring tagapagpaliwanag ng Kasulatan na si Charles Masson ay nanghinuha na ang 2 Corinto 5:1-10 ay “mauunawaang mainam kung gayon nang hindi na bumabaling sa teoriya ng isang ‘intermediate state.’ ”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share