-
EmbahadorKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
EMBAHADOR
Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, isang opisyal na kinatawan na isinusugo ng isang tagapamahala para sa isang pantanging okasyon at para sa isang espesipikong layunin. Kadalasan, matatanda at may-gulang na mga lalaki ang naglilingkod sa katungkulang ito. Kaya naman ang mga salitang Griego na pre·sbeuʹo (‘gumanap bilang isang embahador’ [Efe 6:20]; ‘maging isang embahador’ [2Co 5:20]) at pre·sbeiʹa (“lupon ng mga embahador” [Luc 14:32]) ay parehong nauugnay sa salitang pre·sbyʹte·ros, nangangahulugang “matandang lalaki; matanda.”—Gaw 11:30; Apo 4:4.
-
-
EmbahadorKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pagkatapos ng pagkabuhay-muli ni Kristo sa langit, yamang wala na siya sa lupa bilang tao, ang kaniyang tapat na mga tagasunod ay inatasan bilang mga kapalit niya, anupat “humahalili para kay Kristo” bilang mga embahador ng Diyos. Espesipikong binanggit ni Pablo ang kaniyang katungkulan bilang embahador. (2Co 5:18-20) Tulad ng lahat ng mga pinahirang tagasunod ni Jesu-Kristo, isinugo siya sa mga bansa at bayan na hiwalay sa Diyos na Jehova na Kataas-taasang Soberano—mga embahador sa isang sanlibutan na walang pakikipagpayapaan sa Diyos. (Ju 14:30; 15:18, 19; San 4:4) Bilang isang embahador, dinala ni Pablo ang isang mensahe ng pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo kung kaya noong nakabilanggo siya ay tinukoy niya ang kaniyang sarili bilang “isang embahador na nakatanikala.” (Efe 6:20) Ang kaniyang mga tanikala ay isang katunayan ng pakikipag-alit ng sanlibutang ito sa Diyos, kay Kristo, at sa pamahalaan ng Mesiyanikong Kaharian, sapagkat mula’t sapol, ang mga embahador ay itinuturing na hindi dapat saktan o galawin. Isang palatandaan ng pinakamatinding pakikipag-alit at ng pinakamasakit na pang-iinsulto ang kawalang-galang ng mga bansa sa mga embahador na isinugo bilang mga kinatawan ng Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo.
Sa pagganap ni Pablo sa kaniyang papel bilang embahador, iginalang niya ang mga batas ng lupain ngunit mahigpit siyang nanatiling neutral sa pulitikal at militar na mga gawain ng sanlibutan. Kasuwato ito ng simulain na ang mga embahador ng mga pamahalaan ng sanlibutan ay dapat na sumunod sa batas ng bansang pinagsuguan sa kanila ngunit hindi sila hinihilingang itaguyod ang bansang iyon.
Gaya ng apostol na si Pablo, ang lahat ng tapat, pinahiran, at inianak-sa-espiritung mga tagasunod ni Kristo, na may makalangit na pagkamamamayan, ay “mga embahador na humahalili para kay Kristo.”—2Co 5:20; Fil 3:20.
-